Chapter 35

217 9 0
                                    

Xyra

Nilagyan ko ng malaking ekis ang design na ginagawa ko saka ito ginasumot at tinapon sa pader. Inis kong hinawakan ang ulo ko at sinabunutan ang sarili. 

I don't get it! 

Tatlong araw na akong walang maisip na magandang design! Ginawa ko na lahat ng pwede para lang maibalik sa wisyo ang isip ko pero wala. Kapag wala akong ginagawa, bumabalik sa Fernandos ang utak ko. 

To be more specific, sa dalawang tao na nakausap ko tatlong araw na ang nakakaraan.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na mawala ang sakit na unti unting bumabalik sa kaliwang parte ng dibdib ko. 

Nakita ko kung paano bumaba ang mukha niya patungo sa mga labi ni........ 

Bumuntong hininga ako saka nagmulat. Bahagya pa akong napaigtad ng nakita ang napakalapit na mukha ni Felix. 

"ahm.... F-felix." I whispered, stuttering. 

Lumayo siya saka ngumiti. 

"Hi." sabi niya. 

Umayos ako ng upo saka siya tinitigan. Nakakapagtaka, biglang bumilis ang takbo ng puso ko. Para tuloy akong bumalik sa kabataan ko. Nung highschool pa kami. At KAMI pa. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Naupo siya sa upuan sa tapat ng mesa ko. Hindi ko rin nakikita ang batang makulit na lagi niyang kabuntot. 

"Si Lavender?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa pinto ng opisina ko at hinihintay na bumukas yon at pumasok si Lavender. 

"She's on a date." sabi niya kaya napunta ang tingin ko sa kanya. 

"What?!" tanong ko na halatang nagulat.

Helloooo, date?! e eight years old lang kaya ang bata na yun!!

Tumawa naman si Felix sa naging reaksyon ko. 

I squinted my eyes to let him know that nothing's funny. Mukhang nakaintindi naman at tumahimik na. 

"Kidding. She's busy. Well, she's really with someone. Twelve years older than her. A friends son. And they're doing a break through project for my company. So don't worry." nangingiti ngiti niyang saad. 

Inirapan ko na lang. 

Kung ano ano pinagsasasabi e.

Pero akalain mo yun? Break through project for his company? Ang talino talaga ni Lavender. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit tinawag na little genius ang batang yun at na-accelerated ng tatlong taon.

Hilig niya kasi ang mangailam sa mga technologies and projects ng Ama niya. Nakapag-palipad nga ng helicopter e. Akalain niyo yun? 

"Not done yet?" tanong niya habang nakatingin sa mga gasumot na papel na nakatambak sa basurahan ko. Humalumbaba ako at tumingin din doon. 

"Wala talaga akong maisip e." 

Tumingin na ulit siya sa akin. 

"You really want to surprise her huh?"

Ngumuso ako. 

Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang isurprise siya o gusto ko lang i-prove ang galing ko sa pag-de-design. Ewan. Na-ch-challenge kasi ako e. Ikaw na ang puriin ng ten million deal na yun tapos HINDI naman pala TOTOONG fan mo. 

Akala mo kung sinong mabait pag may ibang tao. Pero pag kami lang, halos ilabas ang pangil at buntot niya sa pagka-demonyita. Idagdag pa ang EX ko -- este, eX ng kakambal ko sa katauhan ko. 

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon