Chapter 34

211 11 2
                                    

Xyra


Friend. 

I grew up having lots of them. But I never knew that this one word can make feel so.... betrayed.

And I regret having her as one the moment I learned about the truth.

Ang tunay na kaibigan, kahit anong mangyari, hindi magsisinungaling sa 'yo.

Ang tunay na kaibigan, laging nandiyan para sa 'yo.

Ang tunay na kaibigan, nadapa ka man, kahit tumatawa, tutulungan ka pa rin niyan tumayo.

That's what a true friend is. At kahit na loka loka ako, gagawin ko ang lahat para tulungan ang kaibigan ko.

Hindi para ipahamak siya o mas malala, lokohin siya.

"Sorry.." narinig kong sambit ni Yna na nagpabalik sa 'kin sa kasalukuyan. Marahan kong iniling ang ulo ko para sabihin sa sarili ko na matagal na yun. One year na. Dapat napatawad ko na sila.

Pero bakit ganon? Hindi mawala wala sa isip ko lahat ng ginawa nila?

Bakit... Ang sakit PA rin?

I swallowed a big invisible lump inside my throat and held on to my tears. Tama na ang iyak Xyra. Tama na.

Hindi ako nagsalita at hindi ko rin alam ang dapat sabihin. Nagsosorry siya sa akin. ULIT. Huli ko siyang narinig na nagsabi ng sorry ng makailang ulit ay nung nasa simenteryo kami. Pagkatapos namin magusap ni Henry.....

Iniwas ko ang tingin ko at hinayaan lang na bumagsak ang mga luha sa aking pisngi. Tears of pain.

"Xyra, alam kong ilang beses na akong humingi sa 'yo ng tawad, at ilang beses mo na rin akong pinatawad... but.. why? Why are we still like this? Bakit ang lamig lamig mo pa rin sa 'kin? Can't we return to the old us?" tanong niya kaya natawa ako. Isang payak na tawa.

"You can't be serious.." bulong ko na parang kinakausap ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. I looked straight to her eyes.

"We can't...... I can't." mariin kong sabi. "Ang plato, kapag nabagsak, pag nabasag, wether you did it on purpose or not, pag nagsabi ka ng 'sorry plato, nabagsak kita, okay na tayo a?'... tingin mo ba, maaayos pa?"

Hindi siya nagsalita at natameme lang sa sinabi ko.

"Hindi na di ba?" tanong ko saka marahas na pinahid ang mga luha sa mukha ko. I don't understand it. I don't understand why I'm crying. Nakakainis na 'tong mga luhang 'to.

"Sorry Yna.. pero.... hindi ko alam kung paano babalik sa dati. I don't know how to be friends with you again. Dahil sa tuwing nakikita kita, sa totoo lang, naalala ko kung paano niyo ako niloko ng kapatid mo. I felt so......... stupid."

Doon na siya napahagulgol. Tinakip niya ang mga kamay niya sa mukha niya. Umiling iling ako at bumuga ng hangin. Tumingala ako para hindi pumatak ang mga luhang nagbabadyang pumatak pero pasaway talaga ang mga luha ko, kasi kahit anong gawin ko, pumatak pa rin sila.

"And I don't know if I even want to return to the old me.. Maybe, I don't. Okay, let's drop the 'maybe'. Cause right now, I really don't want to.." I said breathlessly as my heart aches in my words.

"Sorry...", was all I heard from her before she stood up and ran outside my condo.

Nakita ko din na nagtatakbo si Albie palabas ng condo ko para habulin si Yna. Wala sa sarili akong naglakad papalapit sa pinto at sinaraduhan yun. Nang tumalikod ako sa pinto, nakita ko si Emi na nakaharap sa akin.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon