Chapter 40

170 9 4
                                    

Nawili ako pagsusulat ngayong araw kaya marami akong updates para sa MTB hahaha! Hello twinnies!  I decided to call my readers of this story 'twinnies' hahaha! Ngayon ko lang siya naisip, as in ngayon lang.. walang basagan ng trip hahaha!

Dedicated pala 'to sa kanya kasi nagvvote rin siya nung nakaraan. 

Si NadeshikoUeiki..

Sorry, hindi ko maidedicate yung story dun sa ibang nagvvote at nagccomment.. kailangan yata follower ko para makapagdedicate ako. hahaha! Don't worry, I'll mention you guys na lang if hindi ko kayo follower. Para naman maipakitako pa rin yung appreciation ko sa pagvote at comment niyo. ^.^


Xyra's POV


"H-henry?"

Kelan pa siya dun? Did he heard? Did he heard everything? Alam niya na bang mahal ko pa rin siya?

"Sorry.. mukhang nakakaistorbo ako.",sabi niya saka tumalikod para sana umalis. Pinigilan siya ni Felix.

"Okay lang p're. Tapos na rin naman kami magusap ni Xy. Sige na, mukhang kayo naman ang dapat magusap.", hinawakan ko sa braso si Felix kasi mukhang iiwan niya kaming dalawa ni Henry. Oh noe's.. wag Felix, di ko kayang sabihin! Ayoko. Natatakot ako sa isasagot niya sa akin.

Tumingin si Felix sa akin. Marahan kong iniling ang ulo ko para sabihin sa kanya na 'wag niya akong iwan. But he took my hands off him and smiled gently.

"You need to tell him.", he whispered and patted my head before he left.

Naiwan kaming dalawa ni Henry sa balcony.

Katulad kagabi, muli kaming nabalot ng nakakabinging katahimikan. Tuluyan na rin lumubog ang araw. Madilim na at ang ilaw na nagmumula sa loob ng penthouse ang tanging nagbibigay liwanag sa aming dalawa.

Ako na ang naunang magsalita, dahil mukhang wala naman siyang balak magsalita.

"Uhhmm.. kanina ka pa diyan?"

Tumingin siya sa likod niya saka lumapit sa akin at sumandal sa railings ng balcony. Ako, nakatingin sa malawak na resort, siya, nakatingin sa loob ng penthouse.

"No, kararating ko lang."

"Ahh.."

Katahimikan...

Wala na akong masabi, I'm just glad he did not heard what I said. Though there's a part in my heart that wished he had. Edi sana, alam niya na ngayon. Baka naman kasi.. baka lang.. may pagasa pa. May pagasa pa na maibalik yung dati?

I sighed.

"May sasabihin ka raw?", tanong niya habang nakatingin sa akin.

Jusko, yung pisngi ko.. nagiinit. Feeling teenager ka na naman Xyra! Hays!

Ang gwapo kasi. Mapaseryoso, mapa-nakangiti.

"Uhh.. ano.. wala naman."

"Ahh.. ganun ba?"

"Oo.. wala naman."

Again, we were silent for-who-knows-how-long-that-is.

Sobrang nakakailang yung katahimikan. Gusto ko siyang kausapin.. gusto kong ganito lang kami.. gusto kong nandito lang siya sa tabi ko.. pero, siyempre, hindi naman pwede.

Maya maya, aalis rin siya.. iiwan nya rin ako. Mas okay na yung ganito, wag na lang magsalita. Hihintayin ko na lang siyang umalis.

Pero ilang minuto na yata ang nakalipas, hindi pa rin siya umaalis. Nakatayo lang siya sa tabi ko, habang ako, nakatingin lang sa buong resort.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon