Chapter 22

222 9 0
                                    

Guys!! Chapter 22 na tayo huhuhu! Malapit na tayong magkabunyagan. Goodluck sa team Henra cause I'm going to change the protagonist! Wahahahaha! Magiging story na ito nina Felix at Xyra wahahahaha!


So goodluck na lang sa inyo lol. TeamXyrix for the win! Huthut!


PS. SHORT UPDATE. Yata?


Felix's POV

"Pa, I want to rob a bank."

Napatingin ako kay Lavender. Hindi ko gaano narinig ang sinabi niya dahil may kausap ako sa telepono. I only heard the words 'Pa' and 'bank'. Iniwas ko na ulit ang tingin ko sa kanya.

Baka gusto niya lang magbukas ng sariling account sa banko katulad ng sinabi niya sa akin noong nakaraang araw. 

"Yes, sorry. Can you please move the date of our meeting?" tanong ko sa isang staff sa 'Xyra Rushlyn Fortez's fashion house'. Dina daw yata ang pangalan?

"Sorry sir, baka po next week ko pa maisingit yung schedule niyo. May mga naka-line na po kasing schedule si Ms. Fortez. Last week pa po kasi yung meeting niyo dapat. Hindi naman po ninyo kami ininform after nun. We tried to call you pero out of coverage po ang phone niyo." sabi niya kaya napatingin ako kay Lavender.

Kung hindi dahil sa anak ko na 'to, hindi ma-ka-cancel yung meeting ko with Xyra. Nalaman ko lang naman na sumakay siya sa private chopper ko and even tried to manipulate it. 

God! SInong six years old ang makakapagmaniobra ng chopper?! Si Lavender lang! Hindi ko nga alam kung paano niya yun natutunan e.

At hindi lang yun. Nagpunta siya sa isla na pagmamay-ari namin. Walang signal sa lugar na yun kaya siguro hindi nila ako macontact. 

Namimiss na daw niya kasi ang Mama niya kaya mag-isa niyang tinungo ang isla kahit na pinagbawalan ko siya. Sabi pa niya sa akin, kasama man ako o hindi, pupunta siya.

Hindi ko naman alam na tototohanin niya nga at makakapagpaandar pa siya ng chopper?! Well, kasama niya si Symon. Isa pang genius ang bata na yun at the age of sixteen. Pero wala na yatang tatalo sa anak ko.

Mayabang man pakinggan pero yun ang pananaw ko.

She hacked the system of a multi-national  bank once at nakalusot siya ng walang kahirap hirap. Hindi naman siya nagnakaw or something. She just really wants to meddle with their businesses.

I had changed my files passwords for countless times already dahil lagi niyang nakukuha ang passwords ko. At lagi niyang pinapakielaman ang mga documents ko at sinasabing they're all trash.

Kung hindi ko lang talaga anak ang batang ito, matagal ko na siyang nilublob sa dram ng tubig. Sabihin ba namang trash ang mga gawa ko?

Kinulbit kulbit ako ni Lavender kaya tinakpan ko ang phone ko at tumingin sa kanya.

"Yes?" I asked.

"Pa, I said I want to rob a bank." she said and my eyes grew larger. Ngumisi naman siya as if satisfied of my reaction. Sumandal na ulit siya sa upuan niya. "I've changed my mind." sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain ng pasta.

Napailing na lang ako. Kung ano ano talaga ang iniisip ng batang ito! Parehong pareho sila ni Ellise.

Binalik ko na ulit ang atensyon sa kausap ko.

"Sorry about that. Nagkaroon lang ng emergency e. Kelan ko ba siya pwedeng makausap? I really need the gown for my daughter's seventh bithday and it will be held next month. Ang alam ko, two weeks ang ginugugol niyo bago makuha ang design kung rush?"

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon