Sorry for the typos and GE. Please bear with it. Yun lang!
These are the events that happened before he met Xyra. Yung time na buhay pa si Aryx. Well, some are. Pakiintindi na lang po. Sorry kung nalate ang pagpopost nito.
Henry's POV
Madilim na at malamig ang hangin na dumadampi sa aking katawan. Napabuga ako ng hangin ng maalala ang maliit na pagtatalo namin ni Aryx. Ilang beses ko bang uulitin na wala akong gusto kay Ivory at siya ang mahal ko?!
Huminga ulit ako ng malalim. Gabi na at madilim na sa parte na 'to ng dagat. Naramdaman ko ang unti unting pagbalot ng mainit at makinis na braso sa walang saplot na itaas na bahagi ng katawan ko mula sa likod ko.
Napangiti ako. Siguro ay nawala na ang inis sa akin ni Aryx at ngayon ay naglalambing na siya. Marahan akong tumalikod para harapin siya pero ganon na lang ang pagkagulat ko ng makitang si Ivory pala ang nakayakap sa akin.
Agad akong lumayo sa kanya.
"Anong ginagawa mo?!!" sigaw ko. Pero hindi siya umimik.
Lumapit siya sa akin at ganon na lang ang pamimilog ng mga mata ko ng halikan niya ako! Damn! What the heck is she doing?!!
Marahas ko siyang tinulak palayo sa akin habang hawak ang dalawa niyang braso. Ngumisi siya sa akin at tumingin sa gawing kanan ko.
Lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang lumuluhang si Aryx. Nakahawak siya sa dibdib niya at alam ko, inaatake siya ng hika niya.
Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.
"Shit! Princess.. look at me. Where's bag?! Where are your meds?!" natatarantang tanong ko. Hindi nagsalita si Aryx at nakita kong humigpit ang hawak niya sa dibdib niya.
Namumutla na rin siya at halata ang mabigat niyang paghinga. Nangatog ang mga tuhod ko.
"Shit!" muli kong mura. Agad ko siyang binuhat at nagtatakbo patungong sasakyan ko. Medyo may kalayuan ang unang hospital dito dahil malayo ang lugar na 'to.
Agad ko siyang sinakay sa passenger seat at inayos ang seatbelt niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nangangatal ang mga kamay ko ng buksan ko ang pinto sa drivers seat.
Nalaglag ko pa ang susi sa kaba at pagkataranta. Agad ko yung pinulot at pinaandar ang sasakyan.
"Shit! Aryx, hang on! Ano ba 'to! Shit! Princess breath." sabi ko habang nagmamaneho. Hindi nagsasalita si Aryx at alam kong hirap na hirap na siyang huminga. I glimpse at her and saw how pale her face turned.
Nakahawak pa rin siya sa dibdib niya at nakasandal sa passengers seat as if looking for support at the chair.
"I- can't breath." rinig ko na sabi niya kaya napaiyak na 'ko.
"W-wait, w-we'll reach the hospital. Maya maya pa, nandun na tayo." sabi ko saka pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.
Ilang beses akong napamura dahil wala pa sa kalahati ang natatakbo namin sa distansya para makarating sa hospital.
I can't lose her. I can't lose Aryx.
Mas pinabilis ko ang takbo ng kotse namin. Kailangan kong makarating agad sa ospital. Kung hindi mawawala sa akin ang taong pinakamamahal ko! Sa sobrang bilis ng patakbo ko ay hindi ko na namalayan ang pagsulpot ng isang puting van.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kong masyadong mabilis ang takbo namin at hindi na kami makakaiwas pa sa mangyayaring aksidente.
Walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi ang protektahan si Aryx. Ang protektahan ang buhay ko. Ang protektahan ang taong nagbigay ng kulay sa mundo ko.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...