"GISING NA SI XYRA!" sigaw ng dalaga na si Emi ng dahan dahan na idilat ni Xyra ang mata. Nakaupo siya sa tabi ni Xyra habang nagbabasa ng magazine ng mapansin niya ang paggalaw ng hintuturong daliri nito.
Nilibot nito ang mata sa buong kwarto. Hindi pa ito makapagsalita dahil sa oxygen mask na nakalagay sa mukha nito.
She's out of danger at ngayon ay nagising na ito. By the way, she've been in comma for six months now. Hinintay nila na magising siya. Araw araw rin na dumadalaw dito ang mga kaibigan at Ina. Pati na rin ang mga magulang ni Henry. Alam nga pala nila ang tungkol sa naging kasunduan nina Xyra at Yna para sa kapakanan ni Henry.
Hindi pa rin nila naaamin kay Henry na wala na ang nobya niya. Pero hanggang kelan?
"WHAT! CALL THE DOCTOR!" hysterical na sigaw ng dalagang nahimbing ng halos anim na buwan.
Tatlo lang sila na naroroon sa ospital ng oras na yun. Ang nakakita kay Xyra na si Emi, ang Ina na si Xyryx na nagsisisigaw na ngayon at ang prenteng nakaupo sa single sofa na si Albie na napatalon sa pagkakaupo at ngayon ay tinatawag ang doktor.
Lumapit ang si Xyryx sa kagigising lang na anak. Maluha luha niya itong niyakap pero walang naging tugon mula rito. Tinitigan lang siya nito, walang reaksyon na lumabas sa mga mata ni Xyra. Hindi niya kilala ang babaeng yumayakap sa kanya ngayon.
"Girl.." maluha luhang bati ni Emi sa nagising na kaibigan. Sa kanya naman ngayon dumapo ang mga tingin ni Xyra. Pero kahit wala rin siyang nakitang kahit na anong reaksyon sa mukha nito. Marahil ay naguguluhan pa rin ito sa mga nangyayari.
Six months rin ito na nahimbing, malamang, nagaadjust pa ito.
Pumasok ang doktor at agad na nilapitan ang dalaga. Pumasok rin si Albie at sumunod sa doktor, nakikiusisa sa mga sasabihin ng doktor.
Chineck muna ng doktor ang mga aparato na nakakabit sa kanya saka kumuha ng maliit na flash light at tinapat sa mga mata niya. Kinusap siya nito, pinagalaw nito ang mga itim ng mata niya na siya namang ginawa niya.
Nakangiting humarap sa kanila ang doktor.
"Dok... ano po?" tanong ng Ina.
"She's fine. Ipapatanggal ko na rin ang oxygen mask sa kanya mamaya so that you can talk with her freely." sabi nito saka nagpaalam na lalabas na.
Tinawagan naman ni Albie sina Henry at Yna pati na rin ang mga magulang ng mga ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga ito. Magkasabay na dumating ang apat at ang pinakanatutuwa ay si Henry.
Sa wakas, after six months, gising na ang kanyang sinisinta!
Natanggal na rin ang oxygen mask na nakakabit kay Xyra pero hanggang ngayon ay hindi pa nito nagagawang magsalita. Bakit? Kasi binigyan siya ng sedutives dahil sa matinding pagsakit ng ulo niya.
Sinalubong ni Henry ng halik ang Ina ni Xyra saka lumapit sa nobya.
"How's she?" tanong niya sa kaibigan na si Albie habang nauupo sa kama ni Xyra.
"She's good. Binigyan lang siya ng sedutive, sumakit kasi ang ulo niya kanina." pagpapaliwanag niya.
Nakakaintindi siya na tumango saka humarap sa sinisinta. Hinawakan niya ang kamay nito at nilapat sa pisngi niya. He can't contain his happiness. Masayang masaya siya na nirereplekson ng kanyang malalapad na ngiti.
He can't wait to talk with her and see her smiles again. God! He missed her!
Mas lalo siyang napangiti ang unti unting pagmulat ng mga mapupungay na mata ng dalaga na sinisinta.
"Princess.." masaya niyang sambit na punong puno ng pagmamahal.
Tinitigan lang siya ni Xyra sa mga mata saka tumingin sa kamay nila na magkahawak. Wala siyang nakitang kahit na anong emosyon sa mga mata ng dalaga. Hindi ito masaya na makita siya.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...