Hi guys! Five months na po tayoooooo! Umabot na rin tayo ng two point six k! Masaya na ako dun hahahahaha! LOL, anyways, eto na po ang ud!
Emi's POV
"Gusto mo ng sting? Para naman ma-recharge ka." pangaasar ko kay Xyra habang naglalagay kami ng mga gamit sa likod ng van.
Malay niyo, ngumiti. E kanina pa busangot ang mukha niyan e oh. Parang napagsakluban ng langit at lupa!Kanina, paguwi sa condo, sabi ba naman sa akin, 'Emi, magbabakasyon daw tayo.'
Wait! Sinasabi niya yan habang dirediretso siyang naglalakad papunta sa pinto ng kwarto niya. And take note, iisang nota lang ang gamit niya sa pagsasalita. Parang robot, ganon!
Ano? Gets niyo na kung gaano siya katamlay?
Hindi siya nagsalita sa tanong ko na kalokohan at parang ewan na tinaas ang kamay at hinila pababa yung pinto ng sasakyan!
"XYRA!" sigaw ko.
Helloooooo!! Andito pa 'ko o!! Naglalagay pa 'ko ng mga gamit koooo! Tss.Kung hindi agad ako naka-alis dun, baka piniping Emi ang kinalabasan ko. Sayang naman ang beauty ko noh.
Tumingin naman siya sa akin na halatang nagulat sa pagsigaw ko. Nilagay niya pa yung isang daliri niya sa tainga niya na para bang natanggalan siya ng tutuli sa pagsigaw ko.
"Tss." sabi niya saka ako sinamaan ng tingin at nagpunta sa harap ng van.Tingnan niyo yun. Siya na nga ang may kasalanan, sa akin pa nagalit. Bipolar talaga eveeer!Binuksan ko ulit yung likod ng van at nagpatuloy sa paglalagay ng gamit ko.
Lumapit naman sa akin si Tita Xyryx na kakarating lang. Dala niya yung isa niyang backpack at isa pang bag na medyo may kalakihan.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Wala po Tita, mukang may dalaw ang anak niyo." sabi ko saka tumingin sa mga dala na bag niya.
"Ako na po." sabi ko at nilagay na rin ang mga bag niya sa likod.
"Ayos na ba yan?" tanong ni Felix. Tumingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Ikaw lalaki ka! Kapag si Xyra, tinutulungan mo, pero pag kami, kahit mabigat ang dala namin, wah care ka!" sigaw ko sa kanya. Pero tumawa lang ang timang. May sapak talaga 'to. Irapan ko nga.
"Sorry naman. May kausap lang ako kaya hindi ko kayo natulungan sa paglalagay ng mga gamit niyo." sabi niya saka inayos ang pagkakasiksik ng mga gamit namin at sinaraduhan na ang likod ng van.
"Lets go." sabi niya habang hinahagis hagis ang susi ng van.
Naglakad na kami papunta sa harap at sumakay na rin. Si Felix at Xyra ang nasa unahan, kami naman tatlo nina Tita Xyryx sa pangalawang row. Tapos, yung mga pagkain ko -- este namin, nasa likod, sa pangatlong row. Hahaha! Wala naman nakaupo dun sa dulo.
"Pa! Pengeng pagkaeeeeeeen!!" sigaw ng batang dinaig pa ang sampung megaphone sa lakas makasigaw.
I rolled my eyes and took my headset from my bag. Sinuksok ko yun sa phone ko at nagsimulang makinig ng tugtog. Sumandal ako at pumikit ng maramdaman kong may kumakalabit sa akin.
Ng tingnan ko, ayy, nevermind, peste lang pala.Pumikit ulit ako pero may humila ng headset ko at --
"PAKUHA DAW PO NG TINAPAY SA LIKOOOOOOOOOOOD!!!"
PESTE!Sigawan ba naman ako?!! Tinapat pa ang bibig niya sa tainga ko!Tumawa naman sina Felix maliban kay Xyra.Nilagay ko yung palad ko sa mukha ni Lavender at tinulak siya pabalik sa upuan niya. Magkatabi lang kasi kami, tapos si Tita Xyryx dun sa kabilang dulo. Ako ang malapit sa pinto ng van.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...