Chapter 45

210 7 2
                                    

"It's .... Beautiful.", buong mangha na wika ni Mama.

I gave her a weak smile and dropped myself on the nearest couch.

Sobrang pagod na pagod na ako. Gusto ko na nga matulog eh.

Tinapos ko yung gown ng impakta within 3 days. As in three days!

Di rin ako humingi ng tulong kina Dina dahil ang dami rin naming gowns na order this month and, I wanna make this gown myself.

Ito kasi ang dream gown ni Aryx.

I've read her diary before, nakalagay Doon na gusto niyang gown ay isang princess cut na gown. Off shoulder and laces for its outer layer. Simple but elegant.

Sinabi niya rin dun, na hindi man siya ang ikasal kay Henry, sana, ganun ang maging gown ng bride to be niya, para makita niya ang sarili niya sa swerteng babae na papakasalan ng lalaki na pinakamamahal niya.

Pumikit ako.

Para na akong zombie dahil ilang oras Lang ang tulog ko araw araw, halos Di na rin ako kumain para Lang matapos ang gown na ito. Para na rin makalipad na ako pabalik ng Paris bago pa man ang kasal ni Henry.

I sighed.

I felt a twitch in my heart.

Naiisip ko pa lang siya, nalulungkot na ako.

Lalo na ang isipin na malapit na siyang magpakasal at Di ako ang taong iyon.

"Sweetheart? What's the matter?", tanong ni Mama Xyryx ng mapansin na tahimik ako at Di gaano umiimik.

I shook my head and gave her a fake smile.

"It's.. It's nothing."

"Sweetheart, I'm your mother. Alam ko kung may dinaramdam ka o wala.", she asked. Puno ng concern yung mga mata niya.

Tiningnan ko siya sa mga mata at unti unting namuo ang mga Luha sa Mata ko. Pinunasan ko rin naman agad ang mga ito.

Lumapit si Mama sa akin at naupo sa armchair ng couch na kinauupuan ko ngayon saka ako niyakap.

Mas lalong bumagsak ang mga luha ko ng gawin niya iyon. Pakiramdam ko, bumalik ako sa pagkabata.

Ganito pala ang pakiramdam ni Aryx ng mga panahon na may masakit siyang dinaramdam. My mother's hug was somehow lifting the pain away.

I felt warm.

Kahit wala siyang sinasabi..sapat na yung yakap niya para maramdaman ko na nandito Lang siya at Di niya ako iiwan.

Narinig namin ang bell na tumunog, hudyat na may taong dumating. Nasa pinto kasi yung bell at kung may magbubukas nito ay agad itong tutunog.

It was a lucky bell that I bought from Paris. Pero mukhang hindi swerte ang hatid niyon ngayon kundi malas.

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang buhok ko para harapin ang mga bwisita.

Agad na bumungad sa akin ang pekeng ngiti ni Ivory. I wanna take that smile from her face by slapping her, really really hard.

Pramis! Sarap niyang sampalin ng kaliwa't kanan!

Grr!

"Hi Xyra! Where's my gown?", she gave me her fakest sweet smile. Tila walang nangyari nung nakaraan, napaka plastic.

Nalipat ang tingin ko sa katabi niya at sa kamay nilang magkahawak pero agad ko rin naman inalis doon ang tingin ko.

"Follow me.", wika ko at iginiya sila patungo sa gown.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon