Chapter 41

184 10 8
                                    

No dedications for this chapter.Enjoy reading! Thanks ulit sa mga nagcocomment at nagvvote! Kilala niyo sarili 

Emi's POV

"Tama na yan.", sabi ko kay Xyra saka kinuha yung panglimang lata ng beer mula sa kamay niya. Nilayo ko iyon sa kanya at nilagay sa table.

"Eh? Give it back to meeeeee..", sabi niya saka pilit na inabot yung beer. Siyempre, pinigilan ko siya. Nilagay ko yung palad ko sa mukha niya at pilit na nilayo yung ulo niya. Nakaupo ako sa couch, tapos siya, ayun, nakalupagi sa sahig.

Muntanga lang.

Ewan ko ba sa babae na ito kung anong naisipan at naginom. Eh hindi naman yan sanay uminom eh!

Kanina pa yan ganyan mula nung bumalik kami dito sa room namin. Akala ko, trip niya lang uminom nung nagaya siyang bumili ng beer.

Syempre, pumayag naman ako. Libre niya daw eh! Makakainom ako ng hindi naglalabas ng kahit singkong duling mula sa bulsa 'ko. Saan ka pa diba?

Tapos, nung bumibili na kami, ang daming binili! Sabi ko nga, hindi namin yun mauubos pero tumawa lang siya.

Akala ko inaya niya rin si Felix eh. Hindi pala.

Hindi rin sila naguusap kanina. Which was very unusual, kasi laging kabuntot ni Xyra yung si Felix. Dinaig pa nun ang tuko at linta kung makadigkit kay Xy.

Pagdating namin dito sa room namin, agad na nagbukas si Xy ng beer. Yung unang beer niya, ilang laguk-an niya lang!

Grabe, tindi!

Tumayo si Xyra, muntik pa madapa. Nagpagewang gewang siya papunta sa kusina. Maya't maya rin siyang nabubunggo sa mga apparatus. Napapailing na lang ako.

"Pasaan ka ba?"

She did not answer but I swear, I saw her grinned.

"Ano ba nangyayari sa babae na yun?", tanong ko sa sarili ko.

Tumayo ako para sana linisin yung mga nakakalat na lata ng beer sa table dito sa sala ng maalala kong nasa Ref nga pala yung mga beer na binili namin kanina!

Agad akong tumakbo papunta sa kusina. And as expected, ang bruha, tumutungga na naman ng beer! Bukas na bukas pa yung ref!

Ano, nagpapalamig ka diyan?!

Agad kong hinatak yung beer na hawak ni Xyra.

"Ano ba?!", inis na sigaw niya.

"Ikaw ang ano ba!", ganting sigaw ko.

Lumapit ako sa sink at tinaktak yung tiring laman nung beer saka iyon tinapon sa basuharan.

Pagharap ko ulit kay Xy..

"Xyra!", sigaw ko kasi may hawak na naman na beer ang bruha at balak na naman magbukas ng beer! Hinatak ko ulit yun sa kanya.

Lahat ng natirang beer sa ref ay kinuha ko at nilagay sa plastic. Saka ako nagpunta sa kwarto ko at nilock yun.

Pagbalik ko ng kusina, ang bruha, umiiyak na! Nakaupo siya sa sahig tapos nakasandal dun sa ref.

Naglilihi ba 'to sa beer at iniiyakan yung mga beer?!

"Xyra?", lumapit ako sa kanya at lumuhod.

"'Wag ka na diyan umiyak.", bumuntong hininga ako. "Tama na, ang dami mo ng nainom eh. Bukas naman, kahit ubusin mo yung natira. Pero tama na yung nainom mo para sa ngayong gabi."

Pero hindi siya tumigil kaiiyak. Para siyang bata na panay ang punas sa mga mata niya.

I sighed.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon