Xyra's POV
Cliché. Yes. Very cliché.
'Tulad ng mga nababasa ko sa novel at napapanood sa mga tv dramas.. Yung pagseselosin mo yung lalaking gusto mo para lang umamin siya sa'yo na ikaw yung gusto niya? Yung gagamit ka ng ibang lalaki para ipakita sa kanya na masaya ka?
Fake happiness? Ganon.
Ang pinagkaiba lang, sa novel and tv drama, yung bidang lalaki.. nagseselos.
Pero si Henry..
"Ayoko naaaa!", sigaw ni Ivory ng buhatin siya ni Henry saka iikot at ilubog sa tubig.
Kanina pa yang dalawang yan!
Kala ko magseselos si henry, pero hindi!
Asar!
At isa pa.. mukhang hindi ako ang bida sa storya na 'to. Lumalabas pa na ako ang kontrabida! Kasi ako yung hadlang sa kanila.
Nakakainis!
"Hey.", umakbay yung Daniel sa akin. Nakatingin kasi ako sa naghaharutan na sina Henry.
I shoved off his hands. Pero binalik niya iyon.
Tsk.
Tinanggal ko ulit. Hindi ko pa rin siya tinitingnan.
Muli niya akong inakbayan. Pero nung sinubukan kong tanggalin ay hinigpitan niya ang hawak sa akin.
I glared at him.
"Ano ba?"
"Pakipot ka pa babe eh.", he tried to kiss me!
Nilayo ko yung mukha niya.
What the fvck?
"Pakipot? Lumayo ka nga sa akin!", mahina kong sabi dahil baka ako marinig nina Ivory. Eh diba nga, nag-sh-show pa 'ko?
"Huh? Eh kanina lang, kung makayakap ka sa 'kin.."
"Kanina yun, hindi na ngayon. Get your hands off me.", mahina ko pa rin na sabi pero may halong pagbabanta. Saka ko hinawi ang braso niya at lumayo sa kanya.
Pero hinatak niya ako at muling sinubukan na halikan.
Fvck talaga.
Sinampal ko siya.
"What the fvck!", sigaw niya.
"What the fvck ka rin!", galit ko na sabi.
Humigpit yung hawak niya sa braso ko. Araaay!
"Ano ba! Nasasaktan ako!", sabi ko saka sinubukan tanggalin yung pagkakahawak niya sa braso ko.
"Pakipot ka pa ha? Tingnan natin kung hanggang saan aabot yang pagpapakipot mo pag nasa kama na tayo.", sabi niya saka ako sapilitang hinila paahon ng tubig.
What the???! Ano daw?! Kama?! No!
"Bitawan mo 'ko!!", malakas kong sigaw saka buong lakas na hinila yung kamay ko. Pero mas malakas siya, nagawa niya akong hilahin paahon ng dagat.
Lumingon ako kay na Emi.
But they we're too busy! Kahit nung sumigaw ako, hindi nila narinig. Malakas yung mga alon na tumatama sa mga bato.
Medyo malayo rin kasi kami kanina. Masyado akong nadala sa pagpapanggap. Masyado akong nadala sa galit ko.
Kahit si Felix, hindi ako napansin.
Naiiyak na 'ko.
Ang layo na namin sa kanila.
Yung mga tao naman na nakakakita sa amin, akala nagaaway lang kami. Akala nila kasama ko lang 'tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...