Dinededicate ko 'to sa kanya kasi lagi siyang nagv-vote sa story ko na 'to. Thank you girl!
Xyra
Busangot ang mukha kong umupo sa maleta ko na kulay itim. Tumingin ako sa taas at nakita ang mataas na sikat ng araw na tumagos sa brown shades na suot ko. Pinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko at pinunas ang ilang tumutulong pawis mula sa noo ko.
"Where are they?" I asked Hera, my assistant who's busy counting our baggages. Tumingin siya sa akin. Tapos tumingin sa relo niya at sa cellphone niya.
"They'll be here in any minute mad'm." she said in her British english accent. Sa London ko siya nakilala, pero half Filipina, half british siya. Sa London lang sila nagbase ng family nila.
Tumingin ako sa paligid at lalong napasimangot ng maramdaman na tumulo ang pawis sa likod ko. Ang init init kasi! Badtrip!
I groped for my phone inside my hand bag and fished it out. I dialed a number, he answered it after the sixth ring.
"Pa-VIP ka masyado, alam mo yun?" bungad ko sa kanya.
"Hello din sa 'yo Xyra. Namiss din kita." sarkastiko niyang sagot.
"Che!" tumawa ako, pati na rin siya.
"Sorry, nakasilent ang phone ko. Hindi ko narinig na tumatawag ka." paliwanag niya sa matagal na pagsagot ng tawag.
"Bakit? Mahuhuli ka ng teacher?" pangaasar ko. Tumawa lang siya.
"Hindi, mahuhuli ng mga chikababes ko." he boasted making me to snort.
Ang yabang talaga!
"Whatever Albie. Whatever." sabi ko na lang. Tumawa lang siya ng tumawa. Adik talaga.
O, I forgot to tell you, okay kami ni Albie. Sa kanilang tatlo, si Albie ang nanatiling kaibigan ko. I know, hindi talaga kapani-paniwala. Pero siya lang ang hindi sumira ng tiwala ko. I have already forgiven Yna and Henry, matagal na.
But its true, once you've broken one's trust, it would never be the same. Mahirap ng ibalik ang tiwala.
Kung sino pa ang lagi kong kaalaskahan, siya pa ang naging kaibigan ko ng matagal. I never thought Yna would be able to do that. To lie to me. Lalo na si Henry, pero siguro, ganon talaga. You'll never know that the person you trust the most, is the person who'll stab you.
Right at your very heart. And it badly hurts.
It hurts so bad that you'll just wish to be gone together with the pain. As if your heart's being punch a hundred times.
I felt the familiar pinch in my heart as I heard Albie said my name as if looking for me.
"Hey, still there?" rinig kong sabi pa niya. Tumikhim ako at binalik ang pansin sa kausap ko.
"Sorry about that, anyway.. I'm still here."
"Buti naman, akala ko nawalan ka na ng hininga dahil sa ganda ng boses ko e. Hirap talaga ng gwapo!" pagbibiro niya pa. Tumawa lang rin ako. A sarcastic laugh. I then saw Emi inside the limo as she lowers the window glass.
"Hey!" sigaw niya sa akin habang nagkakakaway. Tumayo ako sa pagkakaupo sa maleta ko at hinila yun papalapit sa kotse habang hawak nung isa kong kamay ang cellphone ko at nakatapat sa tainga ko.
The driver opened the door for me and helped Hera put our bags at the back of the car.
"Who's that?" tanong ni Emi ng makapasok ako sa loob ng kotse.
"Albie." I said referring to the caller.
Tumango tango lang siya at tinuon na ang pansin sa cellphone niya na nagriring.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...