Chapter 23

195 7 0
                                    

Hi guys! I'm back! ito na po ang update. Sorry po sa errors at inconsistency kung minsan. Tulad ng nakaupo na, tapos uupo ulit. May mga ganon po kasi pag minsan, hindi ko na napapansin.Pagpasensyahan niyo na kasi minsan, hindi ko na ineedit.

Xyra

Tinitigan ko ang kalendaryo na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ko. Then, I heaved a deep sigh. One week na lang... One week na lang, death anniversary na ni Aryx.

Pinatong ko ang siko ko sa lamesa at tinukod ang ulo ko sa mga kamay ko. Haaay! Nakakastress! Ang dami daming dapat gawin! Idagdag pa ang makulit na si Mama Ana.

She constantly nags me about the project her friend will have. And she's inviting me to design for her. Isasama niya daw ang line ko sa pag-l-launch ng clothing line na yun.

It's a great idea! Yes. Maganda talaga, magiging maganda ang opportunity na yun para sa pangalan ko. Pero.. how about Henry? Ang alam ko, one year ang kontrata na yun. At sa London yun!

London for crying out loud!! Huhuhu! London na e, magiging bato pa ba??

I already informed Henry. At siyempre, hindi siya pumayag. Masyado daw matagal ang isang taon. At masyadong malayo ang London.

Mamimiss niya daw ako ng sobra sobra, hindi niya daw kaya na mawala ako, ikamamatay daw niya yun. Patay na patay sa akin.

Oh come on Xyra, sinong niloko mo?! Go girl, gawa lang ng gawa! 

Kontrahin ba naman ang sarili?

Hay! Ewan! Gusto ko, na parang ayaw ko! Ano ba yan Xyra?! Make a choice! Choose over Henry and your dreams!

Pwede both?

Arrrrrrg!! This is so damn frustating!

Bumukas ang pinto at pumasok si Dina.

"Miss Xyra, Mr. Romualdes is outside—" 

Kunot noo ko siyang tinanong. "Pardon?" Tama ba ang narinig ko? Romualdes? Felix? Si Felix Romualdes?

"Ahm.. si Mr. Felix Romualdes po, nasa labas." ulit naman niya.

Napataas ang kilay ko. What the heck is he doing here?

"What does he need?" tanong ko, nagmukha naman nagtataka si Dina.

"Ahm.. Miss Xyra, may meeting po kayo with him. Remember? Tuesday, 3 pm?" tanong niya sa akin. I looked at my watch.

Oo nga pala! I almost forgot the meeting, yeah yeah! Ang dami ko kasing iniisip, yan tuloy. Haay.. langyang buhay 'to o.

I nodded at her. "Okay, let him in." sabi ko kasabay ng paglabas niya.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si Felix— pati ang batang si Lavender. Napataas ang kilay ko pero nakibit balikat na lang ako. Tumayo ako at minosyon sila na umupo sa sofa. Naupo naman ako sa kaharap na couch nila.

"So, Lavender's birthday is two weeks from now ha?" tanong ko kay Felix saka bumaling kay Lavender. "Advance happy birthday then." nakangiti kong sabi, pero ang malditang bata, umikot ang mata!

She rolled her eyes on me!

"That's two weeks from now. You're too early to greet me." maarte niyang sabi.

Pinigil ko ang pagsimangot at pinanatili ang mga ngiti sa labi ko.

Pigilan mo ang sarili mo Xyra! Pigilan mo. Bata lang yan! Six years old lang yan! Okay lang yan, hooooh! I admonished myself.

Tumingin na lang ako kay Felix.

"What are your plans?" tanong ko. Pero hindi siya ang sumagot kundi ang batang maldita. SI Lavender!

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon