Chapter 26

260 10 0
                                    

Chapter 26 na tayo guys! And sorry for the typos and grammatical errors! Anyway, ito na po ang update. Simula na dito ng revelations! Wooh!


Natigilan ang lahat ng dumating si Xyryx. Xyra and Aryx's mother. Hindi alam nina Yna kung paano ieexplain kay Xyryx na si Xyra ang nasa loob ng ER. Hindi din nila alam kung bakit nandun ang babae. Nagulat rin sila ng dirediretso ito papunta sa noon pala ay nakatayo ng doktor sa labas ng ER.

Masyadong mataas ang tensyon sa labas ng kwarto ng ER, at ang tanging nakakaalam lang ng mga sagot na bumabagabag sa isip ng lahat ay ang babaeng nakasuot ng puti na damit na ngayon ay papalapit na sa doktor.

"Doc, I'm the patients mother, how is my daughter?" agad nitong tanong sa doktor.

Nagkatinginan sina Albie, Yna at Emi at isa lang ang nasa isip nila. May alam ang Ina ng kambal sa nangyayari.

Sumunod naman si Henry kay Xyryx upang mapakinggan ang sasabihin ng doktor.

"She's now out of danger." nakangiting sabi nito na nakapagpaluwag sa dibdib ng lahat. "But she's in deep sleep." dugsong nito kaya napakunot ng noo si Henry.

"What do you mean?" tanong ni Henry.

"She's in comma." the doctor said and they all gasped.

Hindi nila inaasahan ang mga nangyari. Naaksidente si Xyra, tapos ngayon ay commatose pa. Hindi rin nila alam kung hanggang kelan ito matutulog dahil walang sinabi ang doktor kung ilang araw na mananatiling ganun ang dalaga.

Ang sigurado lang nila, matatagalan bago magising si Xyra. 

"Lets all just hope and pray for her recovery." sabi ng doctor saka tuluyang umalis.

Naiwan naman na tulala ang lahat at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

Bumaling si Xyryx kay Emi. "Emerald." tawag niya kay Emerald na ngayon ay naiiyak na dahil sa nalaman. Napapitlag pa ito sa pagtawag at mangiyak ngiyak na nagsabi ng 'po?'

"Can we talk?" sabi ni Xyryx, Emi just nodded. Aalis na sana sila ng nagsalita si Henry.

"Tita.. where have you been? Wala kaming balita sa inyo. Hinahanap namin kayo ni Aryx." sabi nito kaya humarap siya dito.

"May inasikaso ako hijo. Dito ka na muna, bantayan mo si Aryx. Babalik ako mamaya." sabi nito saka sila umalis ni Emi.

Nagkatinginan sina Albie at Yna, at nagusap ang mga mata nila. Sabay nilang tiningnan si Henry.

"Paano kaya nalaman ni Tita?" tanong ni Yna sa naguguluhan din na si Albie.

"I don't know. Siya lang ang tanging nakakaalam." bulong nito kay Yna.

Tumango tango na lang si Yna. Halo halo ang nararamdaman niya, pero mas nangingibabaw ang takot sa puso niya. Commatose si Xyra. At alam niya kung anong pakiramdam na maghintay magising ang isang tapong hindi mo matiyak kung gigising pa ba o hindi na.

Tumingin siya sa kapatid niya na halatang lutang pa rin dahil sa nangyari sa inaakala nitong nobya niya.

She wated for her brother to wake up in his three years deep sleep. Ngayon ay ito naman ang maghihintay na magising ang inaakalang nobya na malalim sa pagkakahimbing.

At ang mas masakit don ay ang katotohanan na naghihintay ito sa maling tao. Na naghihintay ito... sa wala na.

The gulit creep inside her, and she felt like telling the whole truth to her brother. But does she have the courage to do so?

———


Naupo si Emi sa tapat ng Ina nina Xyra, si Xyryx. They went inside a nearby coffee shop at hindi niya alam kung bakit sila nandun gayong ang kanyang matalik na kaibigan ay nasa loob ng ospital.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon