Xyra
Smile.
It symbolizes happiness, and also brakes loneliness.
I'm one lonely girl. And broken without him.
Nalaman ko ang lahat lahat. Nasaktan ako. Nagdusa. At patuloy na nahihirapan.
Sinabi sa akin ni Mommy Xyryx na matagal niya na daw alam ang totoo. She never left the country. Nandito lang siya, sa bahay namin sa santolan. Sa lumang bahay namin. Who would've thought that she was there all along.
Hindi ko yun pinupuntahan. Ilang buwan na rin na hindi ako doon umuuwi.
Nakita niya minsan si Henry na bumisita kay Aryx. Sa puntod ni Aryx. She also thought that Henry doesn't know. Kaya nagtaka siya ng makita dun si Henry. Doon niya nalaman ang lahat lahat.
Sinusundan niya pala si Henry. Doon niya din nalaman na nagpapanggap ako bilang si Aryx. At pinaniwala ni Henry sa mga kasinungalingan niya. Para ano? Para mapanatili niya si Aryx. Hindi man sa pisikal na katawan pero sa alaala niya.
Shit naman o! Bakit? Bakit kailangan niya pang gawin yon! I never thought he could actually do that.
I loved him and I still love him. I showed him my true feelings. E bakit ganon? Bakit niloko niya pa rin ako? Masaya na ba siya? Masaya na ba siya na naloko niya ako?!!!
Fvck that!
All this time, alam niya pala.. tapos.. tapos.. mas pinili niyang itago sa akin?
Bullshit! Bullshit talaga! Ang sakit e! Ang sakit sakit! Langya naman. Sinaktan niya na lang sana ako, tinapos ang buhay.. kesa naman na ganito.. unti unti niya akong pinapatay e. Pinapatay sa sakit.
Gusto kong lumayo. Tumakas. Tapos....hahabulin niya ako? O si Aryx ang hinahabol niya?
Naman e... bakit ba hindi niya na lang ako hayaan umalis? Ang sakit na nga e. Sobra na...
Gusto niya akong bumalik para ano? Para mabuhay pa rin si Aryx sa isip at puso niya? Ta'na naman.
"Magtitinginan lang ba tayo?" sabi ko sa ngayon ay nakatayong si Henry sa harap ko. Ginawa ko ang lahat para pigilan ang iyak ko. Para walang lumabas na emosyon sa mata ko. Para ipakita ang galit ko. Oo nga, hindi ko naipakita ang sakit na nararamdaman ko.. pero hindi ko rin magawang ipakita ang galit ko.
O dahil hindi ko magawang magalit sa kanya kasi mahal ko siya? Bakit ganon? Ang unfair unfair naman yata? Niloko niya na nga ako't lahat, mahal ko pa rin siya?
"Bakit ka umalis?" tanong niya na parang nagdedemand ng explanation.
Kitang kita ang sakit sa mata niya. Pero hindi ko maiwasan magduda. Nasasaktan ba siya dahil sa akin? O dahil mawawala na si Aryx sa kanya?
Lumunok ako dahil pakiramdam ko... lalabas na naman ang mga leche na luha sa mata ko. Damn these tears.
"Cause I want to, PRINCE. Ay, Henry pala." sabi ko ng buong sarkastiko.
Hinuhugot ko lahat ng lakas ko para mapanatili ang kalmado at walang emosyon kong mukha sa harap niya. Ginawa ko ang lahat para magtunog ang mga salita ko na para bang wala akong pakielam. Na hindi ko naman talaga siya mahal.
"What the fvck?" mahina niyang mura. "When did your memories came back?"
"Matagal na."
"Kelan pa?"
Lihim akong muling napalunok. Sasabihin ko na ang totoo. Pero kailangan magmistulang sinadya kong lokohin at saktan siya.
I pulled all my stored courage and let out a fake laugh— afraid that I would not be able to laugh with all mockery. But I did. Nagawa kong maglabas ng isang payak na tawa.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...