Xyra
After One Year
"Go girl! You could do it! Goodluck!" I said encourangingly and smiled at Emi. Ngumiti muna siya sa akin pero halatang kinakabahan pa rin siya. Huminga siya ng malalim.
"Next! Emi! Come up here!" sigaw ni Johav, the organizer's assistant.
Mabilis na umakyat si Emi sa backstage. Pagpasok nung isang model ay agad na lumabas si Emi papunta sa ramp, kasabay nung isa pang model from the other side of the stage.
Emi's wearing a violet fitted glittering tops and a black plain short. May suot siya na black cap, with matching small ribbon at it's right side. Naka five inches heels siya, white with small crystals on its edge.
"Okay girls! Line up and kill them all!" sabi ni Johav with his usual accent. The so called London accent.
His statement, 'Kill them all' doesn't mean they'll kill them. Expression lang yun ng bakla na fashionista na 'to.
Luminya na ang mga naggagandahan, nagseseksihan at mga matatangkad na babaeng modelo suot ang mga damit na iminodel nila kani kanina lang.
Isa isa silang lumabas para sa last walk before the designer shows up.
Rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga tao mula sa likod ng stage. Tumingin sa akin si Johav bilang hudyat.
Okay Xyra Rushlyn Fortez, this is it! Breath in, breath out!
Pumikit ako at huminga ng malalim, nagmulat at ngumiti.
"Okay, it's showtime!" sigaw ko saka tinaas ang kanan na kamay. Tumakbo ako papalapit kay Johav at ngumiti sa kanya ng pagkakalawak lawak.
"Ready mad'm?" nakangiti niyang tanong. I smiled back at him.
"Ready!" punong puno ng galak kong sagot.
"Let's all welcome, the designer of the beautiful dresses, the creator of the 'Aryx Line'. None other than, the gorgeous, Xyra Rushlyn Fortez! Lets give her a round of applause!" pagpapakilala nung babaeng host ng fashion show.
I heard the thousand claps of the guests. I flashed my widest smile and walked inside the stage while waiving my right hand. Umakyat ang isang lalaki at binigay ang bouquet, which is from the shows management.
Ngumiti ako sa kanilang lahat at nagwave rin. Nagpalakpakan naman ang mga modelo na katabi ko. Their most modest claps. Yung tipong nakatatlong palakpak na yung iba tapos sila, isa pa lang? Ganon!
Kasama na rin si Emi na ang laki laki ng ngiti. She mouthed 'Congrats' and I smiled at her.
Tumingin na ulit ako sa paligid, flashing lights from every side of the room, taking pictures of me.
Oh.. I forgot to introduce myself. I'm Xyra Rushlyn Fortez, twenty seven and I am the highest paid designer in London right now. Inggit kayo? Alam ko! Hahahaha!
———
"Waaaaaah!! Ang galing galing ko talaga!" Tuwang tuwa na sambit ni Emi.
Tiningnan ko siya ng nakakaloka saka tumingin sa katabi ko. Nakangisi rin si Mama Ana habang nakatingin kay Emi. She's holding her cup of tea, note, one cube of sugar. As always.
"Ikaw ba ang nagdesign dear?" tanong ni Mama Ana ng may halong pangaasar.
Ito talagang matandang ito, walang kupas ang pagiging bully.
Ngumuso si Emi saka sumalampak sa brown couch na katapat namin.
"Mama Ana, you're really such a.......ahm....." tumingin siya sa taas at inisip ang salitang dapat ibansag kay Mama Ana.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...