Revelation Part 2

171 9 0
                                    

Xyra

Amnesia.

It was my only escapegoat.

Ang daming tanong sa utak ko to the point na ayaw ko na lang gumising. Gusto ko na lang matulog. At least, I can't feel pain. At least, wala akong mararamdaman.

Dati, hindi ako naniniwala na mas okay pa na magkasugat ka sa labas kesa masugatan ka sa loob, sa puso. I thought that idea was stupid. Kasi mas masakit naman talaga pag nagkakasugat ka.

Pero ngayon, alam ko na na tama kung sino man ang nagsabi noon. Cause you'd rather wish to die wounded physically than to live wounded emotionally.

Ang sugat sa tuhod, napapaghilom ng panahon. Nawawala. 

Pero ang sugat sa puso, habang buhay mong dadalhin. It will stay fresh FOREVER. Na parang kahapon lang. Na parang walang nagdaan na ilang taon. Na parang kanina lang, umiiyak ka pa. Na parang walang nangyaring effort para kalimutan mo ang mga nangyari. Ganon.

You will start all over again. You will start from zero. Na kung kailan akala mo, one hundred percent sure ka na, na nakalimutan mo na ang lahat, saka mo mapagtatanto na hindi pa pala. Na uulit ka na naman sa umpisa. As if you didn't come face to face the number ninety nine point ninety nine percent. 

Parang ewan lang di ba?

Pag nakita mo sila, hindi mo maiwasan itanong sa sarili mo na 'Bakit affected pa rin ako?'

Nakakainis lang. Nawala lahat ng pinaghirapan mo ng ilang taon sa isang iglap lang. 

You tried everything to forget about them for YEARS and all your efforts went down the drain in JUST A SPLIT OF SECOND. Nakakatanga.

"GISING NA SI XYRA!", was the first thing I heard when I opened my eyes.

Sa wakas, nabuksan ko na rin ang mga mata ko. Una kong nakita si Emi, isang babae na nagpapanic at si Albie na tumawag ng doktor at lumabas ng kwarto. Lumapit yung babae saka maluha luhang niyakap ako.

"Emi....." bulong ko. Halos wala na akong boses. To the point na parang hangin na lang ang lumalabas sa bibig ko.

"Girl.....best.." mangiyak ngiyak na sabi ni Emi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko kasabay ng pagpatak ng ilang luha niya.

"Where am I?" 

"Nasa hospital ka girl."

"Hospital?", tanong ko habang nililibot ang paningin ko sa buong kwarto hanggang sa tumama iyon sa babaeng nasa likod ni Emi. Buong pagtataka ko siyang tiningnan. She has the black curly hair which was long enough to pass her shoulders. Maputi siya at mapula ang maliit na labi. She has the pointed nose and long black eyelashes. 

At ganon na lang ang paglundag ng puso ko ng mapagtantong....kamukha ko siya. 

Is it possible? Could it be true? Could she be.... my mom?

Napansin yata ni Emi ang pagtitig ko sa babae na nasa likod niya. Tumingin din siya sa babae sa likod niya saka pinahid ang ilang luha niya. Umiiyak na rin yung babae habang nakatingin sa akin. She looked at me with all tenderness and love, it is melting my heart.

"B-best.." nanginginig ang boses na sambit ni Emi. "This is Tita Xyryx." pagpapakilala ni Emi.

Napatingin ako kay Emi sa sinabi niya saka binalik ang mga tingin sa babae na nagngangalang Xyryx.

Xyryx? Why does it sounds familiar? At..... bakit yun ang pangalan niya? It sounds like Xyra and Aryx.

Weird. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Siya ang Mom namin. Tinitigan ko siya. Na parang pag tinanggal ko ang paningin ko sa kanya ay maglalaho siya.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon