Chapter 43

171 10 1
                                    

Xyra's POV

Tila nabato ako sa kinatatayuan ko ng sandaling bumukas na ang pinto ng Elevator.

Si Henry...

"Oh, Xyra! Where are you going?"

Napatingin ako sa katabi niya.

...Kasama si Ivory.

Bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang mga kamay.

Totoo ba? Totoo ba na dahil lang ang lahat ng 'to sa kasunduan ng pamilya nila?

O.. talagang gusto na nila ang isa't isa?

Mahal mo na ba siya Henry?

I swallowed a big lump in my throat, and tried my best to hold on to my tears.

'Wag kang iiyak Xyra. 'Wag kang iiyak sa harap nila! Magpanggap ka na wala lang ito sa'yo!

Nagawa ko naman.. napigilan kong pumatak ang mga luha ko. Kahit sobrang bigat na ng dibdib ko dahil sa mga nalaman ko kanina lang.

Muli, nilinis ko ang lalamunan ko.

"Kayo pala.", tanging nasabi ko.

Ivory smiled.

Henry, on the other hand, did not show any interest on me. He even looked at Ivory and told her that it was getting late and they need to go.

"Bababa ka ba Xyra?", tanong ni Ivory.

"Ah.."

Wala akong nasabi. Nagpabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam kung kailangan ko pa bang lumabas ng hotel. Kung kaya ko ba na makasama silang dalawa sa elevator.

Kaya ko ba?

Nagtinginan si Ivory at Henry.

"Ahh.. Xyra, if you're not going.. then, we'll go ahead na ha? May bibilhin pa kasi kami ni Henry eh. Gabi na rin kasi.", then she forced a smile.

Halatang pilit.

Hindi ako nakasagot agad. Unti unting sumara ang pinto ng elevator.

I looked at Henry. But he just looked away.

Ewan ko ba. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong hinarang ang kamay ko sa papasarang pintuan.

They both looked at me questioningly.

"Xy?", asked Ivory, her brows slowly creasing.

"I'm...", I looked at Henry. Muli, nagiwas siya ng tingin.

Don't cry Xyra.. Don't Cry!

"I'm... I'm going down.", I said the last word in a whisper and looked at Ivory.

Pasimple siyang umirap pero agad na ngumiti ng mapansin na nakatingin ako sa kanya.

"Oh, sure! Get in."

Pumasok ako ng elevator saka pumwesto sa pinakasulok saka sumandal. Dahan dahan na sumara ang pinto ng elevator.

Silence..

Sandali lang ang naging katahimikan ng magsimulang magsalita si Ivory at magkwento kay Henry ng kung ano ano.

Si Henry naman, panay lang ang tango at ngiti kay Ivory. Mukhang giliw na giliw pa nga siya sa mga sinasabi ni Ivory.

Did I make the wrong choice?

Mali ba talaga na pumasok pa ko dito? Lalo kasing bumibigat yung pakiramdam ko habang nakikita na masaya si Henry kay Ivory.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon