Kung kailan nasa chapter 33 na tayo, saka ko naisipan lagyan ng cast ang story na 'to hahaha!
Anyways, I dedicate this story to her. Kasi ang hilig niya rin ilike ang story na 'to.
Xyra
"H-hi." sabi niya.
I wasn't able to speak. Nakatingin lang ako sa kanya. I just stared at her face as memories of the past haunt me.
"Hi." wala sa loob na sabi ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Sandali kaming natahimik. Walang nagsasalita. Walang umiimik. Kahit si Albie, hindi nagawang magsalita.
"Xy, sino yan?" narinig ko na tanong ni Emi mula sa loob. Kami lang ni Emi ang nandito ngayon dahil may sariling condo rin si Mommy at dun na daw muna siya magpapalipas ng gabi.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Emi na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko. Binuksan niya ng malaki ang pinto at pati siya ay natameme sa nakita niya.
It has been what? One year. One year ng huli ko silang nakita. And here they are, standing right in front of me. Saying hi.
Hindi ko alam kung nagulat ba si Emi, o mas dapat sabihin na na-amaze siya sa nakita niya. Pero hindi naman siya kay Yna nakatingin e. Kundi kay Albie. Pero pati yata si Albie, nagulat sa itsura ni Emi.
Sinabi ko naman di ba? Version two point ow na ngayon ang nakikita niyo. Emi cut her hair short and curled it. Yung parang kay Kathryn Bernardo sa she's dating the gangster? Tapos, mas sexy na siya ngayon. Mas fierce ang itsura niya.
Si Albie naman, mas lalon33g nagmukhang hot.
Unang nakarecover si Emi. Nakakatawa talaga ang itsura ni Albie ngayon. Nagandahan yata kay Emi.
"So, if it isn't the mighty Albie." Emi smirked and looked at Yna. "And the liars sister."
"Emi..." saway ko sa kanya. Nagbaba ng tingin si Yna at halatang napahiya siya.
"Ay sorry. Oo nga pala, hindi lang yung kapatid niya ang sinungaling.. siya din."
Namula ang pisngi ni Yna sa mga sinabi ni Emi. Hindi rin ako nakaimik dahil sa totoo lang, gusto kong sabihin ang mga sinabi ni Emi kay Yna. Kahit na matagal ko na siyang pinatawad, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi magtanong.
Bakit hindi niya sa kin sinabi? Bakit siya nagsinungaling? Akala ko ba kaibigan ko siya? Pero bakit ganon?
I felt the familiar pain at the left part of my chest. Huminga ako ng malalim at pinilit isiksik sa pinakasulok ng isip ko ang lahat ng sakit.
Nangyari na yon, wala na akong magagawa. I had moved on. Hindi na dapat ako affected.
"Napadaan kayo Albie?" pagiiba ko ng usapan. Mukhang nakaintindi naman si Albie at agad na nagsalita.
"About the launching?"
Binuksan ko ng malaki ang pinto at nagmustra sa kanila na pumasok sa loob ng bahay. Si Emi naman, sinundan lang ng tingin sina Albie habang naglalakad sila papunta sa couch. Naupo sina Albie dun, saka ko sinaraduhan ang pinto.
I held Emi's arm.
"Behave." bulong ko sa kanya saka siya pinanlakihan ng mata. Pero hindi niya ako pinakinggan at tiningnan pa ng masama sina Yna na nakaupo sa sala.
"Bakit kailangan pa niyang pumunta dito?" tanong niya habang nakatingin dun sa dalawa. Kulang na lang, umusok ang ilong niya habang nakatingin dun sa dalawa.
BINABASA MO ANG
My twin's boyfriend
Romance"From now on, you're no more Xyra. You're now, Aryx" Kakayanin mo bang magpanggap bilang girlfriend ng isang estranghero alang alang sa mga ala-ala ng namayapa mong kakambal na kahit kailan ay Di mo nakilala? Magulo ba? Yan din ang iniisip ni Xyra n...