Chapter 37

212 10 5
                                    

Xyra's POV

There are things that are supposed to be kept in the past.

Hindi na dapat inuungkat, hindi na dapat binabalik balikan.

Hindi na dapat inaalala at yung iba, hindi na dapat iniingatan.

But there are memories from the past that will truly haunt you. And you'll have no other choice but to face it, OVER AGAIN.

Paulit ulit lang. Parang cycle, magsisimula ka ulit sa simula. Back to zero na naman, and you'll have to start anew, with the old characters of your life.

Old characters that you've tried to leave. Persons you wanted to forget and people you once loved but chose to betray you.

Ang mas masaklap pa, ikaw, hirap na hirap harapin sila, pero sila, NR. No reaction lang. Parang walang pakielam sa mundo. Parang wala ka lang. Parang walang nangyari at hindi sila nakasakit at hindi ka nasaktan.

Napalingon ako at napabalik sa kasalukuyan ng biglang may nagsalita.

"Hindi ko talaga akalain na magaling kang gumawa ng gown!", masiglang sabi ni Ivory na naka-angkla kay Henry habang naglalakad kami pabalik sa hotel namin.

Doon din daw kasi sila naka-check in since pagmamayari rin yon nina Henry.

Really? Ang yaman talaga ng angkan nila.

Ngumiti lang ako kay Ivory kahit na alam kong kaplastikan lang naman ang pinapakita niya.

"Duuuuh! Kilala na siyang fashion designer bago umalis ng bansa last year. And being a model, you should know that Ivory. Dahil lagi siyang pinaguusapan dati pa, sa fashion industry. So stop saying that you don't know that she's a very famous designer. Plastic.", binulong ni Emi yung huling salita.

Napapalatak naman si Ivory. Ngumisi si Albie. Napatingin ako kay Emi, nakataas pa yung kanan niya na kilay na parang sinasabi na 'O ano ka ngayon? E di barado ka?'. Sina Felix at Henry naman... ayun, tahimik lang sila. Hindi nagsasalita at parehas na nakatingin lang sa unahan. Hindi naman talaga sila nagsasalita kanina pa.

They were just listening all this time.

AND IT IS SOOO AWKWARD!

Augh!

Yung tipong yung ex mo at yung nanliligaw sa 'yo, nagkaharap, at ang hindi ko maintindihan e kung bakit kahit hindi sila nagsasalita at nagtitinginan ay parang may nangyayaring world war three sa pagitan nilang dalawa? At.......... kanina pa hindi nagsasalita si Felix! Kaloka!

Hindi ako sanay. Madaldal ang lalaking yan eh. Galit ba siya? Kanino naman? Sa akin? Kay Henry?! Imposible.

Umirap si Ivory na hindi nakita ng mga lalaki pero nakita namin ni Emi. Si Henry at Albie kasi ang magkatabi, tapos si Henry ang katabi ni Ivory. Nasa right side naman ako ni Ivory at katabi ko si Emi at Felix. At lahat ng lalaki, sa unahan nakatingin!

"Anyways..", tumingin sa akin si Ivory kaya tumingin rin ako sa kanya at nakita ang kanyang napakalaking ngisi.

-___-

What now?

"May boyfriend ka ba ngayon?", tanong niya sabay sulyap kay Felix. Nasamid naman ako sa sarili kong laway at medyo namula. 

Jusko, sixteen years old?! Bakit ka nag-b-blush ka diyan Xyra?

Okay, kinakausap ko na naman po ang sarili ko. Hay.

My twin's boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon