Third Person's POV . . . .Sabay na pumasok ng cubicle si Nicholle at Lexie. Habang nasa loob ang dalawa.
"Gosh, girls. Sumusobra na talaga sa kalandian nung dalawang assuming na yun."
"Who??"
"Duhh. Syempre, si Nicholle at Lexie."
"Bakit mo naman nasabi??"
"Girls, kasama ko si Kuya sa Mall nung Sabado. At gosh, lapitan ba naman ni Lexie si Greg. Kitang-kita ng dalawang mata ko. Napakalandi niya, I mean nila. Promise."
"Si Greg Thompson?? Yung hearthrob sa Saint Paul Academy."
"Girl, bakit mo naman dinamay si Nicholle??"
"Bakit?? Ang landi niya kaya. Porke naging Ex niya si Evo kala mo kung sino na. Isa pa, napakafeeler niya. Akala niya mahal pa siya ni Evo pero duhh ang dami na kayang nagiging girlfriend ni Evo mula nung nag-break sila. Well, sadly to say pero isa lang naman siya sa ginago ni Evo. At ako lang talaga ang tunay na minahal ni Evo."
"Hindi mo ba napapansin yung IG, FB at Twitter ni Evo. Di pa rin niya binubura yung mga picture nila ni Nicholle together. At sa dinami-dami niyang naging girlfriend, isa kana dun. Ni-isang picture wala siyang ina-upload. Si Nicholle pa lang ang babaeng may picture sa account niya."
"I don't care. Siguro wala lang siyang time para magbura. At duh... lalaki yun noh?? Hindi yun mahilig magkuting-ting ng mga IG, FB at Twitter thingly na yan."
"Sabagay. May point ka dun."
"Lumabas na nga tayo at nag-iinit lang ang ulo ko. Ang ganda-ganda ko pa namang creature."
Pagkarinig ni Lexie at Nicholle ang pagsara ng pinto. Lumabas ang dalawa.
"Feeler daw tayo?? Kapal ng mukha. Siya nga 'tong GGSS eh." sabi ni Lexie
"GGSS??" tanong ni Nicholle
"GGSS stands for Gandang-Ganda Sa Sarili." sagot ni Lexie
Nicholle Laughed. "Gusto ko yan."
"Best, may naisip ako."
"Huh?? Ano??"
***
Dumating si Evo ng bahay nila dahil pinapunta ito ng kanyang ina.
"Again and again??" pambungad ng ina nang makita si Evo habang hawak ang transferee form nito.
Napa-suklay sa buhok si Evo gamit ang kamay niya.
"Evo, may balak ka bang pasukan ang lahat ng School dito sa Pilipinas, ha??"
Tahimik lang si Evo at umupo sa Sofa.
"What is your problem?? Binigay ko naman lahat ng gusto mo." sabi nito sa anak.
"Nothing." sagot ni Evo
"Nothing?? What kind of answer is that??"
Tumahimik lang si Evo at nag-aayos ng buhok niya.
"Simula sa Wednesday, sa Stanford High kana papasok. Senior High kana at sana dun ka na din grumaduate."
"Okay, Mom. I'll promise. This will be the last."
"This should be the last."
"So, Mom. May I go back to my Condo now??"
Evo's Mom nodded.
Tumayo si Evo at nag-beso sa Ina. Lumabas na siya ng bahay at nag-text ito kay Enzo.
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...