Chapter 63

3K 102 13
                                    


Kim Alexandria's POV . . .

Di ko mapigilang ma-teary-eyed at ganun din si Evo.

"Hi!" nakangiting sabi niya.

Niyakap siya ni Evo at "I've missed you." sabi ni Evo. Niyakap din siya ni Nicholle at humiwalay na ito.

"Mommy!!"

Nagulat ako kasi lumingon si Nicholle sa likod niya. Nakita ko si Julian na buhat buhat yung bata. Namumutla si Julian nang makita kami ni Evo. Lumapit sila at agad na nagpapabuhat yung bata kay Nicholle.

"Mommy, Look oh! Daddy brought me spiderman and superman." sabi nung bata kay Nicholle.

Mommy??

Daddy??

Napatingin ako kay Evo na biglang namula ng sobra ang mata habang nakatingin dun sa bata.

"Talaga, ang bait naman ni Daddy. What do you want to eat, Baby??" tanong ni Nicholle habang buhat yung bata.

"Ahm, excuse me!" sabi ni Evo at lumabas ng Restaurant. Halatang nagulat si Nicholle sa ginawa ni Evo.

Tumingin lang ako sakanila at sinundan si Evo. Nakita ko siya sa likod ng restaurant. Paulit-ulit sinusuntok yung pader at sinisipa habang umiiyak.

"Evo, ano ba??"

Pinigilan ko siya kaya napa-upo siya.

"She really mean to hurt me. Bakit ganun siya? Kailangan ba niyang ipamukha sa'kin na masaya na siya, na may asawa at anak na siya?? Alam niyang mahal na mahal ko siya tapos ganun?? DAMMIT!!"

I tapped his back to comfort him.

I feel him. Alam ko kung gaano yung kasakit.

Nicholle Angela's POV . . . .

Tahimik pa din akong kumakain. Hindi ko alam kung anong masamang nagawa ko basta ang alam ko, nagi-guilty ako.

"Bakit ang tahimik mo??" tanong ni TJ.

"Wala." I said and smiled.

"May naalala ka na ba dun sa dalawa??" nag-aalalang tanong ni TJ.

"May dapat ba kong alalahanin??" seryosong tanong ko.

Namutla siya bigla. "Ah, wala. Wala naman." sagot niya.

For the first time...

For the first time ...

Nagduda ako kay TJ.

Angelyn's POV . . .

Nicholo and I are now eating our dinner.

"Hon, hindi ka ba nag-aalala na biglang maka-alala ang anak mo??" tanong ni Nicolo.

Napatigil ako sa pagkain. Tama si Nicolo, paano kung bigla siyang maka-alala. Pag nasa Pilipinas siya may posibilidad na makaalala nga siya kasi temporary amnesia lang tapos makikita pa niya yung mga bagay na magiging dahilan ng pagbalik ng ala-ala niya.

Makasarili na kung makasarili pero ayoko munang maka-alala si Nicholle. Kasi panigurado, magagalit siya sa akin lalo na yung tungkol kay Julian.

Nung oras na sinabi kong si Julian ang boyfriend niya. Ang iniisip ko lamang kapakanan niya. Sinabi ko yun kasi gusto kong maging masaya siya. Mahal na mahal ni Julian si Nicholle at alam kong gagawin lahat ni Julian para maging masaya siya.

Pero, paano kung bigla siyang makaalala??

I dialled her number.

"Hello"

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon