Chapter 22

4.4K 158 5
                                    


Nicholle Angela's POV . . . .

"Mommy, ano bang ginagawa mo??"

[Anak, hindi ko kayang mag-tiwala sa ibang tao. Kaya naisip ko siya na lang.]

Kausap ko si Mommy ngayon sa Skype.

"Kung ganun naman pala eh, dapat sana ako na lang magda-drive para sa sarili ko."

[Lalong hindi ako papayag dun. Wala ka pang 18 at masyadong delikado.]

"Mommy, mayaman sila Austin. Bakit mo pa siya kinuhang driver ko??"

[Anak, ang kulit mo. Sinabi ko na ngang alam kong kayang kaya kang igalang at protektahan ni Evo kaya panatag ako kung siya ang magiging driver mo. May driver ka na nga, may body guard ka pa.]

"Mommy naman, alam mo naman ang sitwasyon naming dalawa ngayon."

[Bakit?? Driver mo lang naman siya ah!! Depende na lang kung ----

"Mommy, hindi."

[Yun naman pala eh, napansin kong masyado kang Defensive ah!!]

"Mommy, Hindi noh."

[Tumawag na ang Daddy mo sa secretary ko. Kailangan ko na raw pumunta sa Office.]

"Sige, Mommy. Ingat kayo ni Daddy ah!!"

[Ah oo nga pala. Nilagyan ulit ng Daddy mo yung account mo ng allowance mo. Ingat ka din, baby.]

"Sige, Mommy. Thank you. I love you."

[I love you too, Nicholle.]

Binaba ko yung Laptop ko at lumabas na ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at nakita kong nag-uusap si Manang at si Austin. Nang mapansin nila ako,

"Mam, should I introduce myself??" tanong ni Evo.

Ang Ackward lang eh.

"Dyan muna kayo at pupunta lang akong CR.." sabi ni Manang at pumunta na ng CR.

Napa-crossed arms ako.

"Austin, bakit mo ba 'to ginagawa?? Bakit mo sinunod si Mommy, huh?? Di mo naman talaga kailangan ng trabaho dahil mayaman ka ah!" sabi ko sa kanya.

"The truth is I didn't accept your mother’s offer. ‘Coz I know you don't want me to be with you. Pero pinilit niya ko kasi kapakanan mo daw ang pinag-uusapan. So, I have no choice kasi ikaw na nga ang pinag-uusapan. But don't you worry, I will be professional. I will be just your driver either body guard." pagsabi niya nun, nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin.

**

Kinabukasan,

Lumabas ako ng kwarto. Napatingin ako sa labas ng bahay at nakita ko siyang naglilinis ng kotse. Naka-short at naka-topless. Nakaagaw pansin ang anim niyang pandisal sa tiyan niya.

"Nicholle, kain ka na." aya ni Manang.

"Opo, manang." sagot ko kay Manang at dumiretso ako sa dinning room. Nakita kong nakahain ang beef steak, fried rice at fried egg.

Umupo ako at nagsimulang kumain.

Ang sarap nung beef steak at fried rice.

Saktong pumasok si Austin at si Manang dito sa loob. Napatingin ulit ako kay Austin dahil naka-topless pa rin.

"Austin, yung totoo?? Driver ka ba o model??" pilosopo kong tanong sakanya.

Isinuot niya yung T-shirt niya.

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon