After 5 years . . . .John Lorenzo's POV . . .
Nandito ako ngayon sa School ni Raffy para sunduin siya.
Limang taon na ang nakaraan pero mahal ko pa rin siya. Isang araw nga dati eh, nagkita kami kaso kasama ko si Jewel nun at kasama naman niya si Andrei. Mukha ngang masaya na sila kaya sobra kong nasaktan. Hanggang ngayon siya pa rin, siya pa rin ang nag-iisang babae sa puso ko.
"Daddy daddy, kanina ka pa po??" tanong ni Raffy.
"Hindi, kadadating ko lang." sagot ko.
Kinuha ko yung mga bag niya at hiniwakan siya.
"Daddy, I got 10 over 10 po kanina sa quiz namin."
Ang hanep naman nito, nursery pa lang may quiz agad.
"Talaga?? Ang galing naman. Mana kay Daddy eh." sabi ko at ginulo yung buhok nya.
Dumiretso na kami sa kotse at nagsimula na kong mag-drive.
"Daddy, wala kang work??" tanong ni Raffy.
"Baby, meron sinundo lang kita tapos hahatid kita kay Mommy at babalik na ko sa work ko." sagot ko.
Pagkatapos kong mag-college. Binigyan ako ni Papa ng pera para makapag-umpisa akong ng negosyo. Naintindihan niya naman kung bakit ayokong manahin ang negosyo niya.
Ang negosyo ko ngayon, Johnzo Cars. Naggagawa kami ng kotse tapos nagbibili din kami ng mga brand new at second hand na kotse.
Pagkadating namin ng bahay, agad na sinalubong kami ni Jewel.
"Mommy!!" Sabik na sabik na tumakbo si Raffy kay Jewel. Niyakap naman ito ni Jewel at "How's your school, baby??" tanong nito.
"Mommy, I got 10 over 10 po nung nag-quiz kami." pagmamalaki ni Raffy.
"Wow, your Dad and I are so proud of you." sabi ni Jewel at hinalikan si Raffy.
"Mommy, kiss ka din kay Daddy." sabi ni Raffy.
Natigilan kaming dalawa.
"Ahm, next time na lang baby. Kailangan na umalis ni Daddy eh, may work pa ko eh." sabi ko na lang.
"Sige, Daddy. Next time ah, di ko pa kayo nakikita ni Mommy mag-kiss eh." sabi ni Raffy.
Umupo ako at "Baby, kiss mo na si Daddy at aalis na ko." sabi ko kay Raffy.
Hinalikan niya ko at tumayo. "Ba-Bye, Daddy. I love you."
"I love you too, baby." sagot ko at sumakay na ng kotse. Nagsimula na rin ako mag-drive.
Nagsasama lang kami ni Jewel para kay Raffy. Natutulog kami sa iisang kama pero nasa gitna namin si Raffy. Alam ni Jewel na ang mahal ko pa din ay si Kim kahit may anak na kami.
Pagkadating ko ng Shop. Dumiretso ako sa mga nag-aayos ng kotse.
"Kamusta?? Kaya pa ba ang problema??" tanong ko sakanila.
"Ayos lang, bossing. Kaya pa naman." sagot nila.
"Maiwan ko muna kayo ah!" pagpapaalam ko sa kanila.
"Sige, bossing." sagot nila.
"Kung may problema, puntahan niyo lang ako sa office."
"Okay, bossing." sagot nila.
Nagsimulang na kong maglakad papuntang office. Pagdating ko dun, tiningnan ko yung income ng Shop ngayong buwan. Pataas ng pataas, hays!! Mabuti naman at nasusuklian yung pagod ko. Dahil, wala na kong masyadong ginagawa... naisipan kong mag-logged in sa facebook.
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...