Kim Alexandria's POV . . ."Ashton and Alonzo"
Luhh. Sila Evo at Nicholle na. Yieee. Hindi pa naman kaya ni Nicholle maglangoy pag-ampos na siya. Eh 6ft 'tong pool. Eh di ibig sabihin?? Tuturuan siya ni Evo o kaya iga-guide. Waahh. Excited na ko!! Ang pagbabalik ng NichEvo. Lumapit na silang dalawa kay Miss Lhea. Kinausap silang dalawa at mamaya-maya pa ay lumapit si Patrick.
Luhh. Ano ba yan?? Hindi pa nagaganap ang sweet moments ng dalawang bida, eepal na agad ang kontrabida.
Nakita kong hinawakan ni Patrick ang kamay ni Nicholle at may sinabi si Patrick kay Miss Lhea.
"Kahit kelan. Epal talaga ang p*ta." narinig kong sabi ni Airheaded sa tabi ko. Ihhhh, fan rin pala ng NichEvo itong Airheaded na 'to eh.
May sinabi lang si Miss Lhea kay Nicholle at umalis na si Nicholle.
"Anyari?? Bakit umalis si Nicholle??" napatanong na lang ako.
"Ewan ko. Parehas, tayong nandito eh." sagot ni Airheaded.
"Nandito lang, wala kasing tayo. Anyways, I'm not asking you. Wag ka ngang sagot ng sagot." napa-cross arms na lang ako.
"Eh?? Sinong kinakausap mo?? *inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko habang nakatitig sa mata ko na may halong pag-aalala* Teka!! May nakikita ka bang hindi ko nakikita?? Pfftt. Hahahaha" sabi niya at tumawa ng tumawa.
Itinulak ko siyang palayo. "Bad breath. Eww." sabi ko sakanya.
"Anong bad breath?? *sabay amoy sa hininga niya* Hindi naman ah!! Nag-mouthwash ako, baliw!" sabi niya sa akin.
"Hindi ako baliw." sabi ko sakanya.
Nakita kong naglalakad si Patrick sa may harapan namin. Kaya tinawag ko 'to agad.
"Villafuerte"
Napalingon naman siya at lumapit sa akin. "Bakit, Lexie??" tanong niya.
"Anong sinabi mo kay Miss Lhea??" tanong ko sakanya.
"May Phobia si Nicholle."
"Ano?? Eh, wala namang phobia si Nicholle."
"Alam ko."
"Bakit mo sinabi 'yon??"
"I'm her boyfriend. Alam ko kung anong makakabuti sakanya."
"Wow!!! Kung makapagsalita ka kala mo since birth kayong mag-on ni Nicholle ah!! Excuse me, wala pa nga kayong one month eh." sarkastiko kong sabi sakanya.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. "Kim, hayaan mo na siya. Wag ka ng makipag-usap sa mga gag*." seryosong sabi ni Airheaded. Na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Patrick.
"Pre, ayusin mo yang pananalita mo ah!! Baka nakakalimutan mo, apo ako ng may ari ng school na 'to. Anytime, pwede kitang ipa-kick-out." pagmamayabang na sabi ni Patrick habang nakaturo ang index finger nito sa mukha ni Airheaded.
Mayabang pala 'to eh. Akala mo kung sinong napaka-tino pag kaharap si Nicholle.
Hinampas naman ni Airheaded ang kamay nito. "Baka nakakalimutan mo din na ako ang basketball captain ng School na 'to, hindi ako basta basta matatanggal dahil ako ang isa sa nagpapabago ng pangalan ng school na 'to. Eh ikaw ba? Anong nagawa mo bilang isang apo?" galit na tanong ni Airheded.
Ganito pala magalit si Airheaded!! Seryosong seryoso at ang sama ng tingin.
Patrick smirked. "Damn you, Fredricko." sabi niya at umalis na. Susundan pa sana ni Airheaded pero pinigilan ko lang.
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...