Chapter 40

3.9K 142 5
                                    


Nicholle Angela's POV . . .

"GO!! BABE. YOU CAN BEAT THEM. ILOVEYOU."

Na-bigla ako. Sige nga, sinong hindi mabibigla?? Lahat kaya ng tao dito ay nakatingin sa katabi ko. Pero wait, si Kim Alexandria Fuentez ba 'to?? Baka na-sapian na 'to ng kung anong espiritu dito sa Gym. *insert sign of a cross* Wag naman sana.

"Oh my gosh, nakakahiya." narinig kong sabi niya.

"Buti naman alam mo." sagot ko.

Pero infairness, for the first time in forever... nga-ngayon lang siya sumigaw ng ganyan. Okay, fine. I admit, dinaig niya ko. Di ko pa kasi naipagsisigawan na mahal ko si Austin eh.

"Best, itago mo ko." sabi niya sa akin.

"Sige, best." Binuksan ko yung bag ko at "Pasok ka, best. Dali." I jested.

"Letse ka." sabi niya.

Di na ko magtataka kung bakit lagi 'to ang cheerleader. Sa sigaw pa lang, wapak na wapak na.

Bumalik ulit ang tingin ng mga tao sa Court. Grabe, kung kailan pa sumigaw si Lexie tsaka nagsala yung bola.

"Sayang lang yung pagsigaw ko. Nakakahiya tuloy, letse!" narinig kong sabi ni Lexie habang naka-cross arms.

Nakita kong agad na nakuha ni Gio yung bola at ipinasa kay Enzo. Yung totoo?? Sinong magkaka-kampi dito?? Nakakalito na hah! May sinabi si Gio kay Enzo na hindi ko naintindihan. Enzo was suddenly jumped and throw the ball perfectly to the ring.

***kringgg

"CONGRATULATIONS, STANFORD HIGH."

Umingay na ang buong Gym dahil sa magkahalong beat ng drum at sigawan ng mga tao. Hindi ko ding napigilang tumalon at sumigaw pero habang tumatalon ako, napansin kong nakatayo lang si Lexie. Naka-cross arms at naka-taas ang kanang kilay.

"Hoy, anong drama yan??" tanong ko.

"Wala."

"Hindi ka ba masaya dahil nanalo tayo??"

She shook her head quickly. "Kung hindi dahil kay Gio baka di pa tayo manalo." She stated.

Napa-isip ako. Kung hindi kasi binigay ni Gio ang bola kay Enzo means deadlock or same score. Eh di magkakaroon ng overtime.

"Best, hindi din." sabi ko.

"Best, sa tingin mo ba magpapatalo ang Hutchinson High kung magkakameron man ng overtime??"

"Ewan ko, siguro."

She sighed. "Imposible."

Kinuha niya yung bag niya at nagsimula na siyang maglakad paalis.

"Best, tara na." aya niya.

Akala ko, iiwan ako e.

"Teka!! Paano si Austin at Enzo??" tanong ko.

"Malalaki na yung mga 'yun, kaya na nila ang sarili nila."

Badtrip?? Anong problema nitong si Lexie?? Napaka-moody lagi eh. Sabagay, ako din naman. Wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanya papuntang parking area. Nang nasa kotse niya na kami. Bago ako mag-drive, kukunin ko na sana yung cellphone ko sa bag ko nang maalala kong naiwan ko sa table nila Lexie.

"Best, yung cellphone ko naiwan ko sa bahay niyo. Dala mo ba yung sayo?? Pahiram, best. Tatawagan ko lang si Austin."

"Naiwan ko sa lamesa. Baliw, magkatabi yung cellphone natin hah!!"

Patay na naman ako. Wala na naman akong paalam, magiging monster na naman yun.

"Best, bababa lang ako. Mag-papaalam lang ako, babalikan kita." paalam ko sa kanya.

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon