Nicholle Angela's POV . . . .Nakaubos na ko ng limang chocolate sa pag-iintay kay Lexie. Kanina ko pa siyang tinext pero hindi nagrereply. Pumunta na ko sa NBS para tingnan si Lexie. Nagulat ako sa nakita ko. Hawak nung guard sa braso si Lexie.
"Arestado ka, Mam. Isa kang magnanakaw. Ninakaw mo ang puso ni Sir. Sa simbahan ka na lang magpaliwanag." narinig kong sabi nung guard kay Lexie.
"Manong Guard, di mo ba alam na ang Daddy ko ay Congressman dito. Kaya dyan sa mga kabaliwan niyong dalawa. Anytime, pwede kong tawagin ang Daddy ko at isumbong kayong dalawa kung di niyo ko titigilan." narinig kong sabi ni Lexie at binitawan naman ito ni Manong Guard. Umalis na din yung naka-black leather jacket na lalaki pero di ko man lang nakita ang mukha niya, likod lang niya ang nakita ko. Nang makita ako ni Lexie, lumapit siya sa akin.
"Kamusta naman ang anak ni Congressman??" I jested.
"Best, ayun na lang kasi ang naiisip kong paraan para tantanan ako nung aiheaded na yun at nung guard." She stated.
"Bakit?? Nagkakagusto ba sayo pati yung guard??" I asked.
"Gaga, hindi. Best, yung first kiss ko."
"Best, wag mong sabihing. Ang first kiss mo ay si Kuya Guard."
***poinkkk
"Aray, best! Ang sakit, promise!" reklamo ko.
"Gaga ka. Syempre, hindi yung guard. Yung lalaki, best. Yung naka-leather jacket na black." She stated.
"Gwapo??"
"Hindi mo nakita??"
"Nakita. Nakita ko yung likod."
"Ang baliw mo naman. Gwapo siya kaso nakakairita yung ugali, sobrang yabang."
"Best, ikaw ba talaga yan??"
"Bakit??"
"Best, gwapo lang siya nagpahalik ka na. Hindi na virgin sa kiss 'yang lips mo." I stated.
"Best, hindi ko ginusto. Bigla niya kong hinalikan. Sinampal ko pa nga eh."
"Ano bang nangyari??"
Pagkatapos i-kwento ni Lexie ang nangyari sa kanya, natawa ako. Si Airheaded daw kasi ang ideal man niya pero sa kasamaang palad raw ay may kasamaang ugali raw itong tinataglay.
"Best, bakit mo ko pinagtatawanan??"
Pinilit kong hindi tumawa pero di ko mapigilan.
"Best naman eh." Para siyang bata na nagmamakaawang wag akong tumawa. Hindi na ko tumawa. Inilabas ko yung isa sa chocolates na binili ko kanina at ibinigay ito kay Lexie.
"Kumain ka na lang."
Kinuha niya ito, binuksan at kinain.
"Umuwi na nga tayo." aya niya.
Jon Lorenzo's POV . . . .
"Very good, my stupid bastard brother." sabi ni Lauren nung ibinigay ko yung librong pinapabili niya.
"Hindi mo na naman siguro ako isusumbong kay Mama at Papa. Diba??"
"Well, Ahm... One more condition, my stupid bastard brother."
"Isa na naman?? Masyado mo na kong inuuto ah! Hoy! Jana Lauren, baka nakakalimutan mo mas matanda ako sayo kaya ako pa rin dapat ang sundin mo."
"Duh, ano naman? Besides, susundin naman kita kung hindi mali yung mga ginagawa mo." pagkasabi niya nun, inilagay na niya yung earphone niya sa tenga niya.
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Novela JuvenilLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...