Chapter 23

4.4K 154 5
                                    


Third Person's POV . . . .

"Baby, nahanap mo na ba??"

"Oo, natagpuan ko na at ikaw lang pala ang hinahanap ko."

Napapitlag si Nicholle at napatingin siya kay Evo.

"Buti na lang at imagination ko lang 'yon." sabi ni Nicholle sa sarili niya.

"Ito yung hinahanap mo, diba??" tanong ni Evo habang hawak ang isang biology book. Lumapit si Nicholle kay Evo at kinuha yung libro.

"Oo, salamat." sabi nito kay Evo at nagsimula na siyang maglakad papuntang counter. Habang si Evo naman ay pumunta sa katabing counter kung saan doon nagbabayad si Nicholle at dala-dala niya ang isang pirasong ballpen. Napatingin si Nicholle sa ballpen.

Katulad 'yon ng nagpadulas sa akin dati ah!! Nasa isip ni Nicholle. Nakita naman ni Evo na nakatitig si Nicholle sa Ballpen na iyon.

"I've lost my ballpen last Friday." sabi nito kay Nicholle.

"Sir, ito lang po ba??" tanong ng cashier kay Evo habang nakatingin sa Ballpen.

Kinuha ni Nicholle yung ballpen, "Dito ko na lang babayaran." sabi ni Nicholle sa cashier.

"Angela, let me pay that."

"No." sagot ni Nicholle at nagbayad na ito sa counter. Kinuha ni Nicholle ang paper bag kung saan nandoon ang libro at ballpen.

"Let me handle this." sabi ni Evo at kinuha ang paper bag mula kay Nicholle. Lumabas silang dalawa at agad nilang nakita si Lexie.

"Nasaan na yung boyfriend mo??" tanong agad ni Nicholle kay Lexie.

"Ayon oh!!" sabi ni Lexie habang nakaturo sa malaking picture ni Daniel Padilla sa botique ng Bench.

"Best, yung totoo?? Saan ka ba galing??" tanong ni Nicholle.

"Sa entrance, best. Dumating kasi si Kent kaso may pupuntahan raw kaya umalis din agad. Nagpakita lang sa akin." sabi ni Lexie.

"Kamusta ang date??" tanong ni Lexie sa dalawa.

"Best!!" warning call ni Nicholle.

"Just kidding, Best. Let's go na. Manood na tayo." aya ni Lexie sa dalawa.

"Hindi, uuwi na tayo." sabi ni Nicholle at nagsimula ng maglakad palayo sa dalawa.

"Why so KJ??" tanong ni Lexie.

**

Nagulat si Nicholle dahil dala ni Evo ang kotse nito.

"Ayaw mo bang i-drive yung Cadillac CTS-V??" tanong ni Nicholle kay Evo.

"Hindi, ayon nga dala natin kahapon eh. Sabi din kasi ni Tita na pwede ko daw 'tong dalhin tuwing school days." sabi ni Evo.

"Tita??"

"Your Mom, let's go!" sabi ni Evo at sumakay na sa kotse.

No choice si Nicholle. Walang back passenger seat ang kotse ni Evo kaya sa front passenger seat siya umupo.

Dahil isa sa mga hearthrobs ng Stanford High si Evo, tuwing umaga inaabangan ng mga babae ang pagdating ng kotse ni Evo sa parking area ng School.

Nang makita nila ang kotse ni Evo ay naghiyawan na ang mga ito. Itinigil ni Evo ang sasakyan at laking gulat ng mga tao nang lumabas si Nicholle mula sa kotse ni Evo.

"Oh my God, nagkabalikan yung dalawa??"

"Hala!! Paano si Fafa Patrick??"

"Yay!! NichEvo talaga Forevs."

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon