Chapter 48

3.4K 123 2
                                    


Kim Alexandria's POV . . . .

Arghhh.

Tumingin ako sa orasan at na-realize ko na tanghali na pala. Nagising lang ako kanina nung tumawag si Nicholle tapos natulog ulit ako kasi masakit ang ulo ko.

Kinuha ko yung cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko.

Ang huli pa niyang tawag sa akin ay 10 PM pa na hindi ko nasagot dahil nga nasa bar kami.

Ano?? Tatawagan ko na ba??

Hindi eh, ma-pride ako. Gusto ko siya yung tumatawag sa akin.

Pero syempre, sabi nga nila kailangan mong ibaba ang pride mo para sa taong mahal mo. (okay corny, asf!)

Dinayal ko yung number niya. Nakakadalawang ring pa lang.

**tootooot

Binaba?? Ano bang nagawa kong masama??

Tinawagan ko ulit siya pero binaba niya na naman.

Tinext ko siya.

May problema ba??

Naghintay ako ng limang minuto pero di pa din siya nagrereply.

Baka busy lang.

Bumangon ako at dumiretso sa CR para maligo.

Arghhh.

Ang sakit pa din ng ulo ko. Letse naman oh!!

Nang matapos ako sa pagligo, nagbihis na ko malamang... duh, bobo lang? Chareng!

Tiningnan ko ulit yung cellphone ko. Baka kasi nag-reply na siya.

Pero, hindi pa din talaga. Ano bang problema nun??

Iniwan ko ang cellphone ko sa kama ko at dumiretso ako sa kusina para kumain.

"Mam, tinanghali 'ata kayo ah!!" sabi ni yaya habang pinaghahain ako.

Ngumiti lang ako. Sorry, yaya. Wala ako sa mood.

Nagsimula na kong kumain. Nang matapos ako, dumiretso ulit ako sa kwarto para i-check ang text niya.

Pero, wala pa din.

Hayy. Naku!! Ang sakit na. Bakit kasi ako nagmahal ng playboy eh?? Playboy na madaling magsawa. Hindi pa kami pero ito nasasaktan na ko.

Can't handle this shit anymore. Magtetext na ko sakanya.

Ano ba, Enzo?? Hindi pa tayo pero ganyan ka na. Kung may problema ka, sabihin mo. Hindi yung dinadaan mo sa ganyan.

Naramdaman ko na lang na tumulo yung luha ko. Eh, ang sakit sakit eh. Naramdaman ko na lang na nag-vibrate yung cellphone.

Oo nga pala, hindi pa tayo. Pati ano bang karapatan kong magalit sayo?? Kim, ngayon lang ako nagmahal tapos papaasahin mo lang ako sa wala. Tang*nang buhay naman oh!! .

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon