Kim Alexandria's POV . . . ."Best, samahan mo ako sa Chocolate Parlor." sabi ni Nicholle na tingin ko ay crave na crave na NAMAN sa Chocolates.
"Best, ganito na lang. Wag kang aalis sa Chocolate Parlor hangga't wala pa ako. Pupunta lang ako sa NBS at bibili lang ako ng libro." sabi ko sakanya.
"Ano bang bibilihin mo??" tanong niya.
"Basta." sagot ko.
"Sige. Intayin na lang kita dito." sagot niya.
Nag-beso na kami ni Nicholle sa isa't isa at nagsimula na kaming maglakad papunta sa pupuntahan namin. Nang makarating ako sa NBS, hinanap ko agad yung libro ng Talk Back and You're dead Book 2. Nang mahanap ko yung libro, iisa na lang. Para talaga sa akin 'to. Kukunin ko na sana pero may kumuha nito. Napatingin ako sa kumuha ng libro.
Isang matangkad at gwapong lalaki. Nakashade at naka- black leather jacket. May nginunguya din itong chewing gum. Naka-fitted jeans na black pero tumugma naman ito sa suot niya. Boyfriend material, mga sis!
"Pano ba 'yan?? nauna ako." sabi niya na may halong pagyayabang sa boses niya.
Hindi ko pala boyfriend material, mayabang kasi eh.
"May lalaki pa palang nagbabasa ng romantic book. Sa bagay kung sino pa yung mukhang lalaking lalaki, sila pa yung mga hindi tunay na lalaki." sabi ko sakanya.
Inalis niya yung Shade niya at sumimangot.
Grabe!! Pinagpalang mukha kahit nakasimagot, gwapo pa din. *^o^*
"Sa kapatid ko 'to. Hindi sa akin, naiintindihan mo??" pagkasabi niya nun, tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.
"Hoy!! Magpaka-gentleman ka naman kahit minsan lang." sabi ko sakanya. Tumigil siya at bumalik sa harapan ko.
"Ito ba ang gusto mo?? Agawin mo muna." sabi niya habang tinutukoy niya yung libro.
Inagaw ko sakanya pero naiilag niya ito agad. Naging ganyan lang kami sa loob ng limang minuto pero di ako nagtugampay na kunin ito.
"Ano bang meron sa libro na 'to??" tanong niya.
"Story. Bobo lang??" pilosopo kong sagot sa kanya.
"Tanga ka ba?? Syempre, alam ko." sabi niya.
"Yun naman pala eh. Alam mo naman pala, magtatanong ka pa. Mas Tanga lang??"
"Alam mo, maganda ka." sabi niya.
"Sus!! Maliit na bagay. Pati alam ko na yan."
"Maganda ka na sana kaso tanga ka lang."
"Wow!! Nagsalita ang hindi tanga, Airheaded guy."
"Ano??"
"Wala." Hinigit ko ulit yung libro. Nung paghigit ko sa kanya, na-out of balance ako at natumba kaming dalawa. Parang bigla naging slow motion ang lahat nung nangyari yun at kasalukuyan akong nakapatong sakanya.
Ang gwapo niya *^__^*
"Siguro kung yelo ako, kanina pa kong tunaw."
"Bakit??" tanong ko habang nakatitig pa din sakanya.
"Kasi yung titig mo sa akin, nakakatunaw."
Napapitlag ako at dali-daling tumayo. "Asa ka noh!!" sabi ko sakanya. Tumayo na rin siya at nagpagpag ng jacket niya.
"Bakit ka tumayo agad?? Okay lang naman sa akin eh, kahit ilang linggo ka pang nakapatong sa katawan ko." sabi niya.
"Sayo?? Okay lang?? Talaga??"
He smiled sarcastically. "Oo naman."
"Hmm?? Pwes ako?? AYOKO." sabi ko sakanya.
Hinigit niya yung hawak kong libro na kanina pa naming pinag-aagawan at nagsimula ng maglakad palayo.
"HOY!! BAKIT BA ANG DAYA MO?? SABI MO, PAG NAAGAW KO YAN. AKIN NA YAN." sigaw ko sakanya.
Hindi siya lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad niya.
Ayaw mong lumingon huh!!
Nahigit ko yung makapal na dictionary sa bandang tabihan ko at inihagis ko sa ulo niya.
***pugsshh
"Uy, Sapol. Ang galing ko talaga." sabi ko sa sarili ko.
"Ahhh!! Pu*ang*na naman oh!!" sabi niya habang nakahawak sa batok niya na tinamaan ng libro. Lumingon siya sa akin at "HOY!! BOBO, ANO BANG PROBLEMA MO??" tanong niya sa akin.
"WOW!! HUH. AKO PA ANG BOBO. DI IKAW NA SI MR. GENIUS. YUNG LIBRO KASI, MR. AIRHEADED ESTE GENIUS." sigaw ko sakanya.
Lumapit siya sa akin at
**kiss
**pakk
"Bakit mo sinampal??" tanong niya
"BAKIT MO KO HINALIKAN??" tanong ko
"Dahil gusto ko." sagot niya.
"Nakakadiri ka. Bastos."
**pakkk
Grabe!! Yung first Kiss -,- . Nakuha ng hindi ko kilala.
Pagkatapos ko siyang sampalin ay dumiretso ako kay Manong Guard.
"Manong, pag may nakita kayong lalaking matangkad, naka-shade at naka-black leather jacket. Hulihin niyo siya." sabi ko kay Manong Guard.
"Mam, gwapo ba??" tanong ni Manong Guard.
"Ah eh, medyo." sagot ko.
"Bakit po, Mam?? Anong ginawa niya??" tanong ni Manong Guard.
"Ah eh, shop lifter. Magnanakaw siya, Manong." sagot ko.
"Magnanakaw?? Ikaw nga 'tong magnanakaw eh, nanakaw mo kasi agad ang puso ko."
Napatingin kami ni Manong Guard sa nagsalita.
Si Mr. Genius, I mean.. Mr. Airheaded Genius.
Nagulat ako kasi hinawakan ni Manong Guard ang braso ko. Napatingin ako kay Manong Guard.
"Manong, Bakit??" tanong ko kay Manong Guard.
"Arestado ka, Mam. Isa kang magnanakaw. Ninakaw mo ang puso ni Sir. Sa simbahan ka na lang magpaliwanag."
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...