Kim Alexandria's POV . . . .Nagtext sa akin si Blue na may date daw si Nicholle at Gray ngayon. Kadayaan nga ni Nicholle eh, di man lang ako in-inform. Pupunta nga pala kaming hospital ngayon ni Blue kasi dadalawin daw namin yung Daddy niya. Tiningnan ko kung may text si Nicholle pero wala talaga.
Nang makarating kami sa Hospital.
"San ba yung room ng Daddy mo dito??" tanong ko kay Blue.
"Room 453." sagot niya.
Habang naglalakad kami, nagulat ako kasi biglang lumabas si Evo mula sa Emergency Room na dadaanan namin. Nakita kong may sugat ang kamay niya.
"Evo, anong nangyari sayo??" tanong ko kay Evo.
Napansin niya agad ako. "Lexie??" di makapaniwalang tanong niya.
"Austin, nakausap ko na si Doc may konting bali daw yung Ring Finger mo. Bumalik na lang daw tayo, I mean ikaw bukas para ma-i-check ulit."
Napatingin ako sa kalalabas pa lang mula sa ER kung saan nanggaling si Evo at ang di ko talaga inaasahan na si Nicholle 'yon.
"Best??" di ko makapaniwalang tanong.
Nicholle Angela's POV . . . .
Habang nasa byahe pa kami, naalala ko bigla yung sugat ni Austin.
"Manong, sa hospital po muna tayo." sabi ko kay Manong.
"Okay, Mam." sagot ni Manong Driver.
"Ano pang gagawin natin sa hospital??" tanong ni Austin.
"Kakain." pilosopong sagot ko.
"Ano nga kasi??" tanong niya na medyo iba na ang tono.
"Malamang ipapagamot yang sugat mo. Ano pa bang ginagawa sa hospital??"
"Tsss.." sabi niya at tumingin ulit sa bintana.
"Ang sungit kung di lang kita mahal eh."
"What did you say??"
Natahimik ako. Hanla!! Narinig 'ata.
-_- Paano na 'to??"Sabi ko, sayang si Gray. Mahal ko na kasi siya tapos babastusin niya lang ako."
"Asdfghjklzxcvbnm."
May sinabi siyang hindi ko naintindihan. "Ano??"
"Sabi ko, kung schoolmate mo si Jen?? Yung girlfriend ko." tanong niya.
Leche plan naman oh!! Napa-ulit pa. Dapat pala di ko na lang pinaulit.
"Sorry but I don't know her." sarkastikong at sinungaling kong sagot sakanya.
Nakarating na kami sa Hospital at babayaran ko na sana si Manong nang pinigilan ako ni Austin.
"Ako na." sabi niya at inilabas niya ang wallet niya. Binayaran niya si Manong at bumaba na siya ng taxi. Bumaba na rin ako. Dahil mabilis siyang maglakad, nauuna siya sa akin.
Kung maglakad, Akala mo walang kasama. Tssss... ^_-
Lumiko siya sa Emergency Room. Lakas maka-emergency nito eh. Akala mo naman ay agaw-buhay na. Agad namang inasikaso ng doctor at mga nurses si Austin. Inalis nila yung panyo na tinali ko. Nilinis nila yung sugat at may chineck lang yung doctor at sinabi dun sa nurse. Nilagyan din nila ng gauze pad yung sugat at tinalian din nila ng gauze bandage.
Pagkatapos nun ay kakausapin na sana ng Doctor si Austin pero lumabas ito.
"Bastos." sabi ko sakanya nung nagkatapat na kami. Lumapit ako kay Doc.
"Ahm, Doc. Pagpasensyahan niyo na po yung lalaking 'yun. May pagka-suplado po talaga yun eh. Kamusta na nga po pala yung sugat niya??" tanong ko kay Doc.
"Ah, pakisabi sa boyfriend mo. May konting bali yung ring finger niya. Pero okay na yung ibang daliri niya. Pwede na rin kayong umuwi at bumalik na lang bukas para mai-check ulit yung kamay niya." sabi ng Doctor.
"Thank you, Doc at hindi ko po siya boyfriend."
"Eh, ano mo siya??"
"Ahm, he's a part of my history po."
"Ano??"
"Stranger po."
"Ah okay. Sige mauna na ko."
Lumabas na ko ng ER. "Austin, nakausap ko si Doc may konting bali daw yung ring finger mo. Bumalik na lang daw tayo, I mean ikaw bukas para ma-icheck ulit." sabi ko sa kanya.
"Best?"
Napatingin ako sa bandang kanan at nakita ko si Lexie kasama si Blue. "Best, anong ginagawa mo dito??" tanong ko kay Lexie.
"Ako nga dapat ang magtatanong niyan eh, anong ginagawa mo este niyong dalawa dito??" tanong sa akin ni Lexie. Napansin niya yung pasa ko at sinugod niya agad at pinagsusuntok sa dibdib si Austin.
"NAKAKAINIS KA TALAGA, EVO. AKALA KO BA MAHAL MO PA SI NICHOLLE. PERO ANONG GINAWA MO?? NILALANDI MO PA DIN SI JEN AT NGAYON SINAKTAN MO PA SI NICHOLLE. ANIMAL KA TALAGA." sabi ni Lexie habang pinagsusuntok si Austin. Inawat ko si Lexie at inalayo ko kay Austin.
"Best, kumalma ka nga muna. Hindi naman kasi si Austin ang may gawa nito. Actually, niligtas niya pa nga ko eh. Si Gray, si Gray ang gumawa nito sa akin." sabi ko sakanya.
Sumimangot si Lexie at lumapit kay Blue. Sinipa niya ito sa **ehem it's private part**
"Aww. What the hell is that for??" tanong ni Blue na nakahawak sa **ehem it's private part** niya at namimilipit sa sakit.
"It's for your fvcking brother. Break na tayo." sabi ni Lexie at lumapit kay Austin.
"Evo, sorry huh!! Di ko kasi alam n--
"It's okay. I'll go ahead." sabi niya kay Lexie at humarap siya sa akin.
"Go home with her and get home safe." sabi niya sa akin at nagsimula na siyang maglakad palayo.
"Best, I think, you are destined with him." sabi ni Lexie.
"Ano bang pinasasabi mo??" tanong ko sakanya. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng hospital.
"Tadhana ang tawag dun. Pero teka, maiba ko lang hah! Ano bang ginawa sayo ng hinayupak na Gray na yun??" tanong niya.
Pagkatapos kong i-kwento ang masaklap na pangyayari na nangyari kanina lang sa date namin ni Gray hanggang sa niligtas na ko ni Austin ay biglang ngumiti ng nakakaloka si Lexie.
"Bakit ka nakangiti dyan??" tanong ko sakanya.
"Although nakakainis si Gray pero si Evo. Si Evo na nagligtas sayo. Si Evo na laging nandyan para sayo at si Evo na mahal ka pa rin." sabi ni Lexie.
"Ewan ko sayo." sabi ko at nagsimula ng tumulo ang luha ko. Naalala ko na naman kasi yung sinabi niya sa kotse. Napansin naman ito ni Lexie at pinunasan niya ang luha ko.
"Stop crying, best. Ano bang nangyari??" tanong niya.
Kwinento ko kay Lexie yung nangyari mula sa taxi hanggang sa makarating kami dito sa hospital.
"Best, ikaw naman kasi yung nanguna. Kasi naman kasi, basta mahal ka pa rin ni Evo. Tingnan mo na lang yung kamay niya, parang sobrang sakit. At isa pa, hindi na yun hahabol kung hindi talaga yun concern sayo. Ay!! oo nga pala, inamin niya nga pala na concern siya. Pati tama siya, best! Ma-pride ka nga." sabi ni Lexie.
"Pati ba naman ikaw, best??"
"Best, ako... bestfriend lang kita kaya ayokong plastikin ka. Nagsasabi lang kasi ako ng totoo."
Grabe!! Ang pride ko na nga siguro.
"Sa isang relasyon, kahit sobra sobra niyong mahal ang isa't isa kung pride ang mangingibabaw. Lahat ng 'yon, mababalewala." sabi ni Best at sumakay na sa kotse niya. Sumakay na rin ako at nagsimula na siyang mag-drive pero napahinto rin ito agad.
"Si Evo oh!!"
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...