Third Person's POV . . .Isang linggo na ang nakaraan nang operahan si Nicholle.
Nasa tabi ng Hospital bed si Julian, Angelyn at Nicolo habang si Manang umuwi muna upang magpahinga.
Nagulat sila kasi gumalaw ang kamay ni Nicholle.
"Nicholle"
"Anak"
"Angel"
sabay sabay na banggit nilang tatlo. Dumilat ang mga mata nito.
"Nasaan ako?? Sino kayo?? Sino ako??" inosenteng tanong ni Nicholle.
Nagkatinginan ang tatlo at bumalik ulit ang atensyon nila kay Nicholle.
"Tatawagin ko lang ang doctor." sabi ng ama ni Nicholle.
"Ang pangalan mo ay Nicholle Angela. Tapos ako ang Mommy mo at yung lalaking umalis, siya naman ang Dad mo." pakilala ni Angelyn.
"Ako si Julian pero TJ ang tawag mo sa akin." pakilala ni Julian.
"Ano kita??" tanong ni Nicholle kay Julian.
"Kaibi..." hindi pa naitutuloy ni Julian ang sasabihin niya nang bigla itong singitan ni Angelyn.
"Boyfriend mo siya, Anak." sagot ni Angelyn.
Napatingin si Julian kay Angelyn. Sumenyas ito na um-oo na lang.
"Ah, oo." sagot ni Julian.
"Ahh. Anong nangyari?? Bakit wala akong maalala?? Anong lugar 'to??" inosenteng tanong ni Nicholle.
"Anak, naaksidente ka kaya ka nagka-amnesia at nandito ka ngayon sa Hospital." sagot ni Angelyn.
"Ganun ba?? Sorry, Mommy ha! Wala talaga akong maalala eh." sabi ni Nicholle.
"Anak, okay lang yun. Ang mahalaga, okay ka na. May nararamdaman ka ba ngayon??" tanong ni Angelyn.
"Ah, Medyo masakit lang ang ulo ko." sagot ni Nicholle. Tumingin ito kay Julian.
"Ahm, TJ. Anong endearment natin?? Kailan naging tayo?? Gaano na tayong katagal??" sunod-sunod na tanong ni Nicholle kay Julian.
Biglang namutla si Julian kaya napatingin siya kay Angelyn.
"Ah, Anak. Hon ang tawagan niyo. Tapos naging kayo February 16, birthday mo tapos 1 month and two weeks na kayo." sagot ni Angelyn.
"Ah, oo." Julian agreed.
"Ahm, excuse me. Pero kailangan niyo munang lumabas. May gagawin lang kami sa pasyente." sabi ng Doctor na kadadating lamang.
Lumabas sila ng Hospital Room.
"Tita, about the..."
"Julian, please!! Kailangan ka niya. Alam ko namang hindi mo siya kayang saktan eh." sabi ni Angelyn.
"Pero tita, ayoko po kasing magsinungaling sakanya." sabi ni Julian.
"Julian, please!!"
"Paano po kung bumalik na yung ala-ala niya?? Diba po temporary amnesia lang yun."
"Maiintindihan niya naman siguro yun ang mahalaga ngayon. Pero kung ayaw mo kahit para sakanya naman, wag na lang."
"Sige po, tita para sakanya."
"Thank you, Julian."
A month later...
"Enz, tara sa Mall bili tayo ng mga maternity clothes." sabi ni Jewel kay Enzo.
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...