Chapter 49

3.7K 126 3
                                    


Kim Alexandria's POV . . . .

Arghhhhhh!!!

Katulad pa din kahapon, ang sakit pa din ng ulo ko.

Napatingin ako sa wall ng kwarto.

Pink Wall.

Dito na pala ako natulog sa kwarto ni Nicholle.

**insert door open sound

"Oh!! Best, gising ka na pala." sabi ni Nicholle at umupo sa kama, umupo na din ako.

"Okay ka na ba??" tanong niya.

"Medyo naman, best." sagot niya.

"Hindi kita inuwi sa inyo kasi sabi mo ayaw niyo sa bahay niyo kaya dito muna kita pinatulog. Grabe best, likot mo matulog paglasing ka kaya lumipat ako sa kwarto ni Nick."

"Sorry naman, best."

"Okay lang 'yun. Best, anong balak mo? Papasok ka ba?? Kaya mo na??" tanong niya.

"Oo, best. Papasok ako. Maaga pa ba??" tanong ko.

"Well, abot pa naman kaso late lang. Okay lang yan, sabay na tayo."

"Uuwi muna ako."

"Sige, best. Nandyan naman sa baba yung kotse mo eh."

***

Malayo pa lang, nakita ko na agad ang kotse niya sa harap ng bahay namin. Itinigil ko na yung kotse at agad niya kong nilapitan. Pagkababa ko, isinarado ko yung kotse.

"Kim, sorry."

Hindi ko siya pinapansin parang wala lang ako narinig.

"Kim, bakit ngayon ka lang?? Pati bakit amoy alak ka??"

Dahil sayo, pshh! Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad papasok sa bahay.

"Kim, saan ka ba galing??"

Tumigil ako at .....

Jon Lorenzo's POV . . . .

Tumigil siya at hinarap ako.

"Ano bang pakialam mo kung saan ako galing at kung bakit amoy alak ako. Mind your own life besides ano ba kita para pakialaman ang buhay ko??" sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Sakit.

Kasalanan ko kasi eh. Dapat nakinig muna ako sa paliwanag niya. Ang gago ko kasi nasaktan ko siya.

Pumasok ako sa kotse. Di ko napigilang mapa-luha sa sobrang sakit.

Tang*nang buhay naman oh!! Nakakagago na.

Dinayal ko ang number ni Evo. Agad niya naman itong sinagot agad.

"Pre, pwedeng umuwi ka muna??"

[Dude, ano bang problema niyo?? Pati si Angela eh inis sayo.]

"Pre, yung katangahan ko kasi eh."

[Ano bang nangyari??]

Nang matapos kong ikwento ang text ni Nicholle sa akin

[Who’s that asshole??]

"Hindi ko nga kilala eh."

[Wala ba siyang ginawa dun sa dalawa??]

"Walang nabanggit si Nicholle eh."

[Shit. Tatawagan ko lang siya.]

"Sige, Pre."

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon