Nicholle Angela's POV . . .Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko kanina kay Austin. Nagawa ko 'yon? Sabi nga nila, pag may galit kang nararamdaman... nagiging matigas ang puso mo. Pero pag unti-unti na itong nawawala, unti-unti na ring lumalambot ang puso mo.
Nandito na ako ngayon sa upuan ko pero wala pa rin 'yong seatmate ko. Nagulat ako kasi may mga nagtakbuhang mga estyudante sa labas. Napatingin ako kay Lexie at nagtitigan kami.
"Luhh, best. May sunog 'ata." sabi niya.
Lumabas kaming dalawa habang yung iba naming kaklase, nagtakbuhan na rin palabas. Tinanong ko yung isa sa natakbong lalaki.
"Kuya, anong nangyayari??" tanong ko dun sa lalaki.
"Yung past at present mo nasa Gym, nagsusuntukan." sagot nung lalaki at nagsimula na siyang tumakbo palayo sa amin.
"Past at present??" tanong ko.
"Best, si Patrick at Evo. Slow eh." sabi ni Lexie.
"Patrick at Evo?? Ano?? Bakit??" tanong ko.
"Kaya nga tingnan natin sa Gym eh. Tara!" sabi ni Lexie at hinatak niya na ko papuntang Gym. Malayo pa lang kami naririnig ko na ang sigawan ng mga estudyante. Nang makalapit kami, nakita ko ang mukha ni Patrick na duguan at nakita ko ding namimilipit na siya sa sakit sa sahig ng Gym.
Nakipagsik-sikan ako sa mga estudyanteng nagsisigawan.
"Excuse me, please!!"
At nang makapunta na ko sa Gitna. Sisipain pa sana ni Austin si Patrick pero sumigaw ako.
"STOP."
Sa oras na 'yon, di lang si Austin ang tumigil pati rin ang mga estudyanteng naka-ikot. Natahimik ang buong Gym. Umupo ako sa tabihan ni Patrick.
"Patrick, Okay ka lang??" tanong ko kay Patrick.
He nodded.
Tumayo ako at hinarap si Austin.
"WHAT THE HELL IS THIS?? HUH??" tanong ko sa kanya.
"He's a stealer. He's not my friend. He's a stupid mother fucker, Angela." He stated.
"Nicholle, tama na. Yaan mo na siya."
Napatingin ako kay Patrick. Di ako makapaniwala, nasabi pa niya 'yon. Sa lagay niya, dapat hayaan na niya lang ako eh. Dumating naman si Andrew at nakita kong tinulungan niya si Patrick tumayo.
"Dadalhin ko lang siya sa Clinic." sabi ni Andrew.
Napatingin ulit ako kay Austin.
"You Bullsh*t! Ashton." sabi ko kay Austin at nagsimula na kong maglakad palayo. Dumiretso ako sa Clinic at nakita kong nakahiga si Patrick habang ginagamot ang mga sugat nito. Lumapit ako sakanya.
"Patrick, I'm sorry. Nang dahil sa akin, nabugbog ka ni Austin.. I mean, Evo." sabi ko sakanya.
"Okay lang 'yon, Nicholle. Wag mo ng kaisipin." sabi niya.
"Patrick, nababaliw ka na ba? Anong wag kaisipin??"
"Sa sandaling panahon naging kaibigan ko si Evo, Wala naman siyang ipinakitang masama eh. Nicholle, hindi ko kasi mapigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo. Kaya sana mapatawad mo pa ko." sabi niya.
"Wala ka namang kasalanan, Patrick eh. Kung meron mang may kasalanan, ako 'yon pero dapat hindi ka niya ginanyan."
**knock **knock
Tumayo ako para buksan 'yung pinto.
"Ang kapal ng mukha mo, nakapunta ka pa rito." sabi ko kay Austin nang makita ko siya.
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...