Chapter 56.2

3K 104 2
                                    


Nicholle's Angela POV . . . .

"Luh. Alam mo kung paano tayo makakabalik sa kalsada??" tanong ko.

"Lalakad tayo, okay ba yun sayo??" tanong niya.

"Wait, tatawag lang ako."

Kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang i-dial si Austin pero di sumasagot. I tried to call Lexie, Enzo, Patrick and Andrew but they don't answer too.

Hanggang sa ma-lowbat ang cellphone ko.

"Shit." I cussed.

"Nasaan phone mo??" tanong ko kay Julian.

"Nasa locker ko, sa school." sagot niya.

Luhhh!!!

"Gaano bang kalayo kung lalakarin natin??" tanong ko.

"Basta daanan na lang natin yung dinaanan natin kanina. Tara na!"

"Wait!! Paano yung kotse??" tanong ko.

"Hindi naman yan mawawala."

Bumaba kami ng kotse parehas at nagsimulang maglakad, nung may likuan na pakanan at pakaliwa tumigil kami.

"Dito tayo nagmula sa kaliwa eh. Dito tayo." sabi ko kay Julian.

"Hindi. Dito sa kanan, ano ka ba??"

"Kaliwa"

"Kanan"

"Julian, kaliwa sabi eh. Tanda ko yun."

"Nicholle, akong nagdra-drive kaya alam ko. Kanan tayo."

"Hindi nga, kaliwa. Tanda ko yun dahil ako ang nagsasabi kung saan tayo pupunta. Sige, dyan ka sa kanan. Ako dito sa kaliwa."

"Nicholle, ano ba dito ka nga. Kanan tayo."

"Err. Bahala ka." sabi ko sakanya at kumaliwa ako.

Sumunod naman siya sa akin.

"Oh, akala ko dun ka sa kanan??"

"Hindi kita hahayaang mag-isa pero pag-naligaw tayo di ko kasalanan hah!!" sabi niya.

"Hindi tayo maliligaw kasi ito naman talaga yung dinaanan natin."

***fast-forward

Maggagabi na pero nasa gubatan pa din kami. Malayo na yung nalakad namin kaya tumigil ako.

"Malayo pa ba??" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam. Hindi pa ko nakakapunta dito eh. Kung kumanan kasi tayo eh di sana nakarating na tayo sa mga bahay natin."

"Pero ang pagkaka-alala ko talaga eh kumaliwa tayo."

"Oo pero dun yun sa may malaking kahoy. Kung kumanan tayo may makikita ulit tayong dalawang daan saka tayo kakaliwa."

Hinampas ko siya sa braso. "Errr. Bakit di mo sinabi agad??"

"Diba nga sinabi ko na kumanan tayo. Ikaw eh, tigas ng ulo mo. Tara balik tayo."

"Litse, ang sakit na kaya ng mga paa ko. Mamaya-maya." sabi ko sakanya at umupo ako sa ilalim ng puno, tumabi siya sa akin.

"Pero baka lalo tayong gabihin?? Paano kung mag-alala sila sayo??"

"Oo, si Manang mag-aalala pero yung boyfriend at bestfriend ko maging kaibigan ko na si Enzo, wala na silang pakialam sa'kin. Ni-hindi man lang nga ko sinasagot kanina eh. Okay lang. Okay lang na gabihin tayo kasi wala na silang pakialam sa'ken."

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon