Kim Alexandria's POV . . . .*Earlier
Nagulat ako kasi tinawag ni Mam si Evo at Nicholle. Sandali lang na nag-usap yung tatlo pagkatapos noon, lumabas na si Nicholle at Evo.
"Mam, bakit sila lumabas??" tanong ni Airheaded.
"Makukulong sila sa School Jail sa loob ng anim na oras." Mam exclaimed.
"Madame Baby, makakapag-usap yung dalawa." sabi ni Enzo sa akin.
"Oo nga eh buti na lang silang dalawa ang nakulong." sabi ko naman kay Airheaded.
Madame Baby, Makakapag-usap yung dalawa. ~
MADAME BABY?? Napapitlag ako.
"Pwede bang wag mo kong tawaging Madame Baby??"
"Ayaw mo nun?? Si Kiko at Jackie tayo kunwari."
"Errr. Okay lang sana kung kasing gwapo mo si Daniel Padilla, ano?"
"Sus! Ayos lang yun, kasing ganda ka naman kasi ni Kathryn. Kaya nga Madame Baby ang tawag ko sayo eh."
"He-he-he." sarkastiko kong tawa sakanya.
"Naka-ilang boyfriend ka na ba? First and last boyfriend mo ba ako?" tanong niya sa akin.
"Wala ka ng pakialam dun noh at excuse me? Napaka-tanga ko naman siguro pag-pinatulan kita." pagmamataray ko sakanya.
"Bakit ba ang sungit mo sa akin?? Wala naman akong ginawa sayo masama ah."
"Anong wala?? Nagka-amnesia ka ba o sadyang nagtatanga-tangahan lang??"
"Sige nga, sabihin mo nga sa akin. Kung anong ginawa ko sa iyong kasalanan."
"Ninakaw mo yung first kiss. Argh. Nakakainis, naalala ko pa." sumimangot ako.
"Sabi ng mga babaeng hinahalikan ko, ang sarap daw ng halik ko. Samantalang, ikaw! Inis na inis ka pa. Ikaw na nga 'tong hinalikan ng isang poging Enzo. Ayaw mo pa? Alam mo dapat magpasalamat ka pa eh dahil isa ka sa mga babaeng hinalikan ko at sobrang swerte mo pa kasi lahat ng babae, minimithi na halikan ko." pagmamayabang niya.
"Ewww. Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabi mo??" tanong ko.
"Bakit ako mandidiri? Eh, totoo naman ang sinasabi ko. Ang katotohanan ay tinatanggap, hindi pinadidirian."
"Oo nga naman, katotohanan nga naman yun! By the way, Happy opposite day!"
"Wag ka na kasing mag-deny. Aminin mo na, nagustuhan mo talaga ang mga halik ko. Gusto mo ulitin pa natin??"
Nakakainis talaga 'tong Airheaded na 'to. Lahat ng kinakainisan ko sa lalaki, nandito na sa mokong na 'to eh. ~_~
"Eww. Ayoko na noh at wala na kong balak sundan yun. FYI lang huh! Hindi ko nagustuhan yung halik mo. Nakakadiri nga eh, amoy sigarilyo." sabi ko.
Hindi na siya umimik at nakinig na lang siya kay Mam.
Hay naku!! Buti naman. Tumahimik na rin si Airheaded *insert a deep breath.
_
Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man to
Mga pangako ko sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumandaNapatingin ako sakanya. Ang galing niyang kumanta. Medyo malagong pero ang astig ng boses niya. May Hidden Talent din pala 'tong Airheaded Guy na 'to eh.
Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
BINABASA MO ANG
Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]
Teen FictionLOVE VS PRIDE Will their love wins over their pride? or let their pride wins over their love? Evo Austin Ashton is a bad boy who loves to get involve in trouble but apparently he's still inlove with her first girlfriend named Nicholle Angela. Nichol...