Chapter 39

3.9K 140 6
                                    


Third Person 's POV . . . .

Habang naglalaro si Enzo. Napatingin siya sa side kung saan nandoon kanina si Lexie, Evo at Nicholle. Nagtaka siya dahil wala man lang natira dun sa tatlo ngayon. Di niya namalayan na naagaw na pala ang bola sa kanya ni Gio.

"Anak ng pu*a." tanging nasabi na lang ni Enzo habang nakatingin kay Gio na nag-lay-up na sa kabilang ring. Tiningnan na ni Enzo ang score board.

HOME - 38
VISITORS - 47

Lamang ang Hutchinson High ng siyam na puntos. Sumimangot si Enzo.

"Sisimulan ko na." tanging nasabi ni Enzo habang nakatingin ng masama kay Gio.

Samantalang si Lexie, nakahiga sa kwarto niya. Umiiyak habang nakayakap sa unan. Gulong-gulo siya sa mga nangyayari. Naalala niyang sinabihan niya ng masama ang matalik na kaibigan nitong si Nicholle. Kinuha niya ang cellphone niya at dinial ang number ni Nicholle.

[Hello]

"Best, sorry na. Naguguluhan lang ako kanina kaya nasabi ko yun. Sorry talaga, best."

[Ano ba kasing nangyayari sayo??]

"Hindi ko nga din alam, best eh. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko."

[Best, aminin mo na kasi. Mahal mo na si Enzo.]

"Hindi ko alam, best."

[Kilala na kasi kita. Best, ano bang naramdaman mo nung hindi ka pinansin ni Enzo kanina??]

Lexie took a deep breath. "Na-nasaktan?? Na-guilty?? Parang ganun. You get what I mean?? Di ko kasi maipaliwanag ng ayos eh."

[Best, ganyan ka din kay Gio.]

"Kung ito na nga yun, isa lang ang ibig sabihin nito. Dapat ko ng layuan si Enzo."

[Bakit na naman? Gawa na naman ba ni Drei? Best naman, hindi na nagpaparamdam yung tao sayo eh. Aasa ka pa dun.]

"Pero kasi, best ---

[Hindi, best. Masyado na kong naawa sayo. Wag kang magagalit ah!! Best, umaasa ka na sa wala eh... kaya mag-move on ka na. Listen, you're my bestfriend. I don't want you to hurt by someone who's not deserving.]

"Sige, Best. Inaantok na ko. Salamat."

Lexie ended.

Tama nga ba si Nicholle?? Na dapat ko ng kalimutan si Drei. Si Drei na wala pa kong balita hanggang ngayon. Ni-hindi ko nga alam kung kilala niya pa ko. Siguro nga tama si Nicholle. Tama siya na umaasa lang ako sa wala.

Tumayo si Lexie mula sa kama at kinuha yung photo album na puro pictures nila ni Andrei. Binuksan niya ito. Hinawakan niya yung mukha ni Andrei sa picture.

"Baby boy, tama nga si Nicholle. Umaasa na nga ako sa wala. Ikaw kasi eh, di ka nagpaparamdam. Nakakainis ka, alam mo yun. Alam ko namang puppy love lang yung naramdaman ko sayo noon pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa din eh, na mahal na mahal pa din kita pero... hindi ka na nag-iisa sa puso ko." sabi niya habang nakatingin sa picture.

"Nice, Fredricko. Ipagpatuloy mo lang." sabi ng coach kay Enzo.

"Astig, pre. Ang laki ng galit mo kay koreanong hilaw eh." sabi naman ni Jeff habang ginugulo ang buhok ni Enzo.

4th quarter na. Limang minuto na lang ang natitira. Lumamang ng pito ang Stanford High sa Hutchinson dahil sa sunod-sunod na three points ni Enzo.

"Nakakagago kasi yung Han na yun lagi na pa-cute ang pu*a." sabi ni Enzo habang nagtutuyo ng pawis.

"Hahaha. Pre, aminin mo na. Gawa yan ni Lexie nuh!!" sabi ni Kael.

Bad Boys meet Mean Girls [BOOK1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon