"BANG! BANG!"
Naparalisa ang buong katawan ng dalaga at halos hindi siya makagalaw.
Patay na siya!
Oh my god! Pinatay niya siya!
Gusto niyang sumigaw ngunit parang pati ang kanyang labi ay naparalisa din. Para siyang tuod na nakatitig sa kaibigan nitong hindi man lang nakakitaan ng pagkatakot. Ngunit siya'y kanina pa nanginginig sa takot. Halos bingi na nga siya sa mga sinasabi nito, at para naring siyang robot na nakikipag-usap rito.
Pagtalikod ng kaibigan, saka lang siya parang nagising sa katotohanan.
Mabilis niyan nilisan ang lugar na iyon ng walang direksyon. Narinig niya ang tawag ng kaibigan niya, ngunit inignora niya ito. Ang gusto lang niya ay makalayo sa lugar na iyon. Makalimutan na patay na ang lalakeng pinakamamahal niya, at ang lalakeng sumira rin sa mga pangarap niya. Ang lalakengn nanloko sa kanya.
Lumalagpas lang sa pandinig ng dalaga ang maiingay na tunog ng mga sasakyan, mga taong nadadaanan niya, mga puno ng kyuryosidad na mga mata na nakahabol sa kanya habang papabilis ang pagkaripas ng kanyang mga paa. Hindi niya alintana ang mataas nitong takong.
Parang hindi narin niya nararamdaman ang sakit na kanina'y parang punyal na tumatarak sa kanyang puso, dahil namamanhid na ito.
Magkahalong luha at tawa ang kumawala sa kanyang bibig habang tumatakbo, hindi alam kung saan tutungo. Nalalasahan na niya ang maalat na luha, ngunit ayaw parin itong paawat sa pagtulo.
Hinayaan niya ang kanyang mga binti kung saan siya dalhin. Ang tanging nasa isip niya, ay ang masakit ng katotohanang ginamit lang siya, pinaglaruan at dahil lang sa walang kwentang ambisyon, sinira ang kanyang buhay.
Matinding galit at sakit ang pumuno sa kanyang dibdib. Parang sasabog ito sa sobrang sama ng loob.
Wala sa sariling hinaplos nito ang pipis pang tiyan. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Lalo siyang napahagulgol at binilisan pa ang pagtakbo.
Tumigil siya saka tumingin sa kaliwa't kanan niya, mga mata'y malabo dahil sa luha. Tinuyo nito ang mga mata gamit ang likod ng kanyang kamay saka tinawid ang daan papuntang kabilang kalye, hindi niya napansin ang pagliko ng humahagibis na sasakyan.
Narinig niya ang malakas na ingit ng gulong at siya'y naestatwa, mga matang kasinglaki ng plato nakatitig sa papalapit ang sasakyan sa kanya. Langitngit ng gulong palakas na palakas at kusang pumikit ang kanyang mga mata, at ipinalangin niya na sana'y panaginip lang ang lahat.
"BLAGGGG!!!" Parang nabingi siya sa lakas ng ingay ng tumama ang harapan ng kotse sa kanyang tagiliran kasabay ng pagkarinig niya sa kanyang pangalang tinawag.
"DANIELA!!!!"
Nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Luciano.
"Luciano?" mahinang usal niya bago tumama ang kanyang buong katawan sa semento at ang pagbagsak ng ulo. Parang nilindol ang buong katawan niya at buto. At sinalakay siya ng matinding kirot mula sa kanyang ulo ng tumama ito sa semento, at umagos hanggang katawan, halos hindi siya makahinga. Napapikit siya sa matinding sakit na ngayon parang pinipiga ang kanyang dibdib. Naririnig niya ang boses ng tao ngunit hindi ito klaro sa pandinig. Mga kaluskos at bago tuluyang panawan ng ulirat, narinig niya ang ingay ng ambulansya kasabay ng tawag ng pangalan ng lalaking unang nakakuha ng kanyang atensyon.
"Luciano!" piping tawag niya.
......
BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
RomanceCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...