HRHG 19: Lasing

61.6K 1.4K 67
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

⚜⚜⚜

(Clarisse's POV)

Pagdating ko nga sa malaking entrada ng mansyon, mala-Greek God itong nakatayo, o tamang sabihing, pinipilit tumayo ng maigi. Pagkakita sa akin, ang ngisi nito, maluwang pa sa pacific ocean. Biglang nainis ako kanya.

Kung makapamerwisyo nga naman itong taong ito. Nang makalapit ako, bigla niya akong niyakap na parang mawawala ko. "I mhiss yhou," sabi nito sa lasing na tono.

Ang bigat nito at parang matutumba na ako ng isinandal nito ang bigat niyang katawan sa akin. Ang laki kaya nitong tao, ang katawan siksik ng mga muscles na parang bato.

"Yaya pakisabi kay manong, tulungan akong dalhin siya sa itaas," utos ko na mabilis naman nitong sinang-ayunan.

Di nagtagal, lumabas ang asawa nito at tinulungan akong iakyat sa aking kwarto si Maxwell. "Pakikuha narin po ng maligamgam na tubig, yaya. Pakidala sa kwarto," utos ko ulit.

"Sige." Saka nagmamadaling umalis ito.

Ingat na ingat naming dinala ito sa itaas at hindi makagawa ng malakas na ingay. Buti nalang sound proof ang kwarto nila daddy, hindi nila rinig ang nangyayari dito sa labas.

Dumating sila nang bandang alas siyete at maaga silang nagpahinga dahil hindi daw nakatulog sa eroplano.

Tulog na tulog na si Maxwell ng nilinis ko ito. Inalis ko lang ang gray nitong Armani dress shirt saka itim niyang pantalon, at itinira ang puti nitong sando saka boxer shorts. Ang sarap nitong titigan, napakagwapo talaga nito kahit saang angulo. Wala kang makikita na imperfections sa kanya, except ang ugali nito.

His strong jaw is sharp that could break a rock, high cheekbone that can only be seen from a male Calvin Klein models, aristocratic nose that gave him that stubborn and rough look, ang his eyes. Kahit natatakpan ito, parang nakaukit na ito sa aking isip. Pilik matang nakapalibot sa magaganda nitong mga mata, na animo'y freezer sa lamig, ngunit pag ngumingiti, parang nagssparkle din ang mga mata nito. Liquid eyes as they call it, it looks expressive, but at the same time, cold. He always wears that cold scowling look. Na animo'y laging may kaaway. Ang mga mata, walang kaemo-emosyon, parang nakatingin ka lang sa sea, distant and dead.

Pero pag ngumiti, parang nangingislap lagi ito ng kalokohan, ng kalandian.

I don't know how long I was staring at him ng maradaman kong inaatok na ako. Humikab kong dinala ang tubig at bimpong ginamit ko sa pagpunas sa kanya sa malaki kong bathroom at itinapon ang tubig sa sink saka ito nilagay lang sa counter.

Mabilis akong nagtoothbrush at saka tumabi na sa kanya. Since may nangyari na sa amin, it's pointless na sa ibang kwarto pa siya matulog, and my parents are here. Baka makita nila siya. I'm sure, dad wouldn't approve this.

Maaga akong nagising kaysa usual kong paggising. Nangangalay ang binti ko at hindi ako makahinga, at para ring akong akong nakatali. Nang imulat ko ang aking mga mata, makakapal na buhok ang tumambad sa akin.

Maxwell?

Parang biglang nagising lahat ng sistema ko nang biglang rumagasa ang nangyari kagabi sa utak ko.

Nakasandal ang ulo nito sa aking tiyan kaya ako nahihirapang huminga, ang mga mahahabang kamay ay nakapulupot sa aking beywang at ang isang binti nakapulupot din sa aking mga binti. Kaya naman pala para akong natali, eh hindi lang pala tali, daig pa ang tinali ako.

Napangiti naman ako dahil ang sarap sa pakiramdam pero binawi ko rin ito at pilit isinasaisip na hindi ito pangmatagalan. Ayaw kong umasa baka masaktan lamang ako.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon