HRHG 1: The Godfathers

117K 2.4K 80
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"Once I marked you, you are mine.

My woman. No other than me can have you."

― Maxwell Aleksandrov Bovarin

🌹🌹🌹

(Omega Psi's Brotherhood Godfathers)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Omega Psi's Brotherhood Godfathers)

...............

(Rissy's POV)

"Luciano?" tawag ng lalaking lumabas mula kung saan. Nang humarap ito sa amin, lumunok ako.

Sobrang gwapo naman ng lalaking ito.

May malaking katawan at halatadong alaga ito sa gym, medyo balbas sarado pero hindi ito nabawasan ang kagwapuhan.

Ang kapatid ko, gwapo rin. Sabi nga ng mga kaibigan ko, sobrang gwapo daw siya, which is, I find it absolutely preposterous, overrated rather.

Pero itong lalaki sa harap ko, ito ang gwapo. Lalaking-lalaki. Expressive na mga mata, matangos na ilong at mukhang kahit sino hindi nito sasantuhin. Matangkad din ito, parang kasing-tangkad lang ni kuya. And his features reminds me of someone na kinatakatakutan ng lahat sa BLSS.

Maxwell Bovarin. The Devil's reincarnation of Bovarin Law&Science School.

Tumayo si kuya ng hindi ko namamalayan. Hinihila na pala nito ang kamay ko. Lahat ng mga lalake na nakaupo sa tabi namin ay nakatingin lang sa amin pati narin ang mga babaeng kasama ng mga ito. Kanina pa kami nakaupo dun pero walang nagsasalita sa kanila.

Mukhang mga isnabero ang mga andun pati narin mga kasamang babae. Mabuti naman at natawag na kami at ng makaalis na rin.

"Follow me," sabi ng lalake at sinundan namin siya.

Pumasok kami sa isang pintuan medyo malayo kung saan kami nakaupo. Lumiko kami sa pasilyo hanggang sa pumasok kami sa isang maluwang na room. May living room din ito. Nakaupo duon ang apat na lalaki.

At saka ako parang gustong mawalan ng ulirat. Biglang nanikip ang dibdib ko, at nanghina sa aking nakita ko.

Apat na lalaking kilala sa buong Pilipinas. Mga anak ng kilalang tao sa buong Asya o buong mundo.

Kristoff Bernardin, Wesley Ivanovich, Vincent De La Vega, and Laurent Piere Canelli. The devils of BLSS are all here, except ...

Biglang napalingon ako sa loob ng malaking kwarto ngunit wala duon ang hinahanap ko. Kahit papano, nakahinga naman ako ng maluwag.

Habang papalapit kami parang hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Unti-unting natunaw na yata ang mga buto ko.

Iba-ibang ekspresyon ang nakaguhit sa mga mala-greek God nilang mukha. Ganito rin kagwapo si Aiden, syempre boyfriend ko sya kaya kailangang suportahan ko ang kagwapuhan niya na hindi sinasang-ayunan ni Cheska at si kuya.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon