HRHG 43: Fresh Start

69.5K 1.7K 80
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"When all things seem to fail, stand on your inner strength, shovel today's challenges for your tomorrow's freedom."

― Aniekee Tochukwu Ezekiel

⚜⚜⚜

Rissy's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rissy's POV

Bumalik ako sa  ospital mag-aalas tres na. Nakita ko sa hallway sina mommy at parents ni Maxwell na nag-uusap. Si Cheska at kuya naman magkasamang umalis na daw.

"May dala kaming pagkain mo, anak," si mommy ng makalapit na ako. 

"Gising naba siya?" tanong ko.

"Oo kanina pa." Mommy ni Maxwell. 

"Tama, paalis na kami. Inantay ka lang namin. Sabayan mo na raw asawa mong kumain," si mommy. Pagkatapos akong bigyan ng halik sa pisngi, umalis narin ang grupo. 

Nakaupo si Max ng pumasok ako. Nakakunot-noo ito. Ngumiti lang ito ng nakita akong pumasok. "Ba't ang tagal mo?" medyo yamot nitong tanong. Inignora ko nalang ang temper nito.

"Nakatulog kasi ako," mabilis ko namang sagot.

Nawala naman ang simangot nito sa narinig. "Okay kana?" tanong nito sa nag-aalalang tinig.

"Oo," ngumiti ako rito. "Kumain kana raw," sabi ko na ikinatango niya.

"Sabayan mo ako. Inantay talaga kita," sabi nito at mabilis ko naman siyang inasikaso. 

Nagtatawanan na kami habang kumakain. Ngayon lang sumarap ulit ang panlasa ng pagkain sa akin. 

"Sino nga pala yung patay na pinag-uusapan nila kaninang umaga?" tanong ko.

"Si Aiden," bigla ko naman ibinaba ang kutsara ko sa narinig.

"Ah, akala ko kasi ikaw ang pinag-uusapan nilang patay," tumango-tangong sabi ko. Pinalitan ko na ang topic dahil ayaw na ayaw kong pag-usapan ang about sa patay.

"Gusto ko ng lumabas," biglang sabi nito saka ko inabot ang plato nitong wala ng laman.

"Kung anong sasabihin ng doktor, siyang masusunod," masuyong sagot ko naman saka nilagay sa plastic bag ang mga maduming pinagkainan namin at ang mga pagkaing naiwan. 

"Okay na ako. Bakit ba mas alam ng doktor kaysa sa akin?" andiyan na naman ang pagkamatigas ng ulo nito. Umiiling-iling akong mahinahon parin sumagot rito kahit sa totoo lang minsan, may pagkaisip bata ito. "Dahil sila ang mas naakakaalam sa takbo ng aking katawan, kahit pakiramdam natin okay tayo?" medyo may pagkasarcastic ang pagkasabi ko na ikinaismid nito. "Mahirap akong mamatay, zaya," confident na confident nitong saad na ikinaikot ng aking mga mata. 

Naiiling nalang na tumalikod ako para maghugas ng kamay sa banyo. "Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Sa banyo," mahinahong sagot ko. 

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon