All rights reserved ©2016 by LoveMishap
"Don't hate the player; change the game"
― Steve Harvey
⚜⚜⚜
Rissy's POV
Madaling nakababa naman ako at tinungo ang sala. "What are you doing here?" napatigil ako ng makita kong prenteng nakaupo si Maxwell sa mahabang sofa namin. Tumayo naman ito ng marinig ang boses ko saka kinuha nito ang paper bag na nakalagay sa mesa.
"I brought you something," sabi nito. Hindi ko alam kung anong iniisip nito. Nakakunot-noong pinanood ko itong palapit sa akin.
"What's that?" taas kilay na tanong ko. Namaywang pa ako sa inis.
"Mango!" mabilis namang sagot niya. Bigla tuloy akong naglaway. Mabilis ko namang kinuha ang mabigat na bag at binuksan ito. Ang daming mangga na kasinglaki ng kamao ko. Parang nasa kalagitnaan palang ito ng paglaki.
Nagtatakang tiningnan ko siya.
"Saan mo ito nakuha?" tanong ko. Kakaumpisa ng Pebrerero.
"I posted it on twitter and someone mentioned their mango already bear fruits, from Santiago Isabela. I sent someone to get some for me," sabi nito saka ito nakatitig sa masaya kong mukha.
"You don't have to do that," sabi ko at marahang umiling, biglang sinalakay naman ako ng hiya, ngunit sobrang tempting ang mangga. Naglalaway na ako pagkarinig ko palang. Kinuha nito sa kamay ko ang bag.
"It's heavy. Saan mo gustong kainin ito. May alamang din akong dala, pinainit ko kay aling mameng," parang at home na at home na ito.
Dahil sa mas mabigat ang kagustuhan kong kumain ng mangga, hindi na ako nagpakipot. "Tara sa balcony," sabi ko.
Sinundan naman niya ako. "I like your dress, but I hate it when you wear it in the public," komento nito. Medyo may tigas ang boses nito at ramdam na ramdam ko ang pagkapossessive nito.
Nilingon ko siya. "Don't I look sexy?" hindi ko alam kung bakit iyon ang natanong ko. Siguro dahil nasa isip ko parin si Electra at ang seksi nito kanina.
Mabilis naman akong nilapitan ni Maxwell. "You don't know how much I wanted to rip this off," sabi nito saka pinadaan ang isang daliri nito sa aking balikat. Lalo tuloy akong kinikiliti.
Parang may kuryenteng dumaan sa aking buong katawan.
Tumingala ako saka sinalubong ko ang titig nitong sobrang lagkit, ang mga mata nito, namumungay.
"I'm sorry," sabi nito.
Bigla naman akong nagising sa katotohanan.
I'm engaged, sigaw ng isang bahagi ng isip ko.
Nahihiyang lumayo ako sa kanya. "You're forgiven. I think, we need to be civil anyway, dahil ikakasal ako sa kaibigan mo. Hindi maiiwasan na magkita tayo, most of the time." Saka ako yumuko.
"Rissy," si Maxwell. Parang hirap na hirap ito.
"I'm getting you back." Bigla akong tumingala ulit at sinalubong ang titig niya. Kita ko ang determinasyon sa mga mata nito. Hindi ko alam kung anong nakain nito at biglang naging interesado ulit sa akin.
"Why?" tanong ko.
"Because I can't bear to watch you with someone else, nor thinking that other hands had been touching you. Call me selfish, asshole, or hit me, but I can't take it when you're happy with someone else's arms. You are mine, Rissy," sagot nito. Umiling-iling ako.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
RomanceCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...