HRHG 36: All is Fair in Love and War

75.1K 1.6K 61
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"Love is war, where words and actions are weapons that leave fatal emotional wounds."

— Unknown

⚜⚜⚜

Rissy's POV

Aba't di pa mag-order nalang para malamang masarap. May patanong-tanong pa ito at ito namang babae, kung makadukwang, konti nalang mahahalikan na si Maxwell. At kulang nalang ingudngod nito ang dibdib sa kanya.

"Letse!" inis kong sabi ng medyo malakas.

"I'm sorry, zaya?" si Max. Napatingin tuloy sa akin ang dalawa. Nainis lalo ako.

"I said, let's see!" saka ako ngumiti ng pagkaplastik-plastik.

Sarap balatan ang kumag. "Orderin mo nalang kaya at ng malaman mo kung masarap?" madiin ngunit may ngiting sabi ko.

Pakialam ko kung plastik akong nakikipag-usap sa kanila. Letse siya!

"Are you sure, you want it?" tanong niya.

"Not me!" mabilis kong sagot saka siya pinandilatan.

"I don't like artichokes!" maarteng sabi nito saka nginitian ang babae. Lalong nanggalaiti ako sa inis.

Binalingan ko ang babae saka nginitian ng sobrang pagkapeke. "Can you give us a minute?" tanong ko in my dismissal tone.

Mabilis namang tumango ang babae saka iniwan kami. Mabilis akong tumayo mula sa aking kinauupuan saka tumayo sa tabi niya.

"Where are you going?" tanong nito.

"Usog!" inis kong irap at nagtatakang umusog naman ito, ngunit ang mga mata nito, amused na amused na lalo kong ikinabwisit. "Ako ang makikipag-usap sa babaeng iyon at mag-oorder. Ang dami mo pang nalalamang tanong eh hindi mo pala naman gusto!" inis kong sabi saka hinalungkat ang menu.

Tawa ng tawa si Maxwell sabay itinaas ang mga kamay na parang nagsusurender.

"Nagseselos ang baby ko," bulong ni Maxwell sa aking tainga habang binabasa ko ng mga putahe nila sa La Bernardin grill and bar.

"Tumigil ka kung hindi masapak na kita!" inis kong asik sa kanya sabay panlalaki ng mga mata. Naramdaman ko naman ang kamay nitong humapit sa aking beywang saka nito inamoy ang batok ko.

"Maxwell, may makakita sa atin," naiinis ngunit hindi ko mapigilan mapadaing ng mahina sa kiliting hatid ng mainit nitong hiningang humahalik sa aking balat.

"We are in a private booth, zaya. No one can see us. Well, except for Kristoff!" bigla nitong inalis ang pagkakasubsob ng mukha nito sa aking leeg saka ngumisi.

Napahiya naman ako saka nilingon ang paligid kung nasaan ang mga camera ngunit wala akong makita.

"They are 360 micro camera. Look up the ceiling. Those dots on the printed design, they are scatttered every where. It's hard to see, right?" nakangiting pageesplika nito.

Napahinga nalang ako ng malalim.

The waitress came back at parang nabigo ito ng makitang ako ang makakaharap niya. Malapit na kasi sa dingding si Maxwell, trapped between me and the wall.

Inorder ko ang aking gusto and then Maxwell said his. Alam na pala nito ang gusto, kunwari nagtatanong pa.

..........

Maxwell's POV

"I want you to move in with me!" diretsang sabi ko ng makarating kami sa bahay nila. Hinarap ako ni Rissy at kita ko ang disapproval sa mukha nito.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon