All rights reserved ©2016 by LoveMishap
⚜⚜⚜
Rissy's POV
"NO!" umiiling kong iyak at lalong humigpit ang yakap ni mommy sa akin. Pakiramdam ko, sasabog na ang dibdib ko.
"Let's be strong and pray that he will not give up. It's better if you will talk to him often, anak. Patatagin mo ang iyong sarili, now he needed you, so please be tough." Mahinang sabi ni mommy. Hinayaan muna nila akong umiyak at ng mahimasmasan na ako, dinala na nila ako sa pinaglipatang private room si Max. Maraming nakakabit na machine dito at napokus ang tingin ko sa heartbeat machine.
Umupo ako sa silyang nasa tabi nito at hinawakan ko ang mainit nitong palad. Hinalikan ko ito saka bumulong-bulong. Iniwan na kasi ako ng mga magulang ni Max at magulang ko pagkatapos nakausap ang doktor. They will come tomorrow morning dahil isa lang ang pwedeng magbantay.
"Wag kang bibitaw, babe. Kailangan ka namin ng anak mo." Lumuluhang sabi ko. "Hindi ko kayang buhayin siyang mag-isa. Paano nalang pag marunong na siyang magsalita? Pag hinanap ka niya?" Mahinang iyak ko. Hindi parin maampat ang luhang kanina pa tumutulo. Para itong gripo na hindi matapos tapos. "Ang saya-saya ko na Mrs. Bovarin na ako. Kahit walang proposal na nangyari, kahit mabilisang kasalan, masaya na ako basta ikaw ang groom ko. Tanggap ko ng hindi na ako magkakaroon ng engrandeng wedding dahil hindi romantiko ang asawa ko. Dahil mahal na mahal kita. Ang importante, ikaw at ako. Tayong tatlo." Lalong bumibigat ang dibdib ko. Sobrang sakit na nakikitang nakapikit lang ito at hindi naririnig ang mga sinasabi ko. Napakasakit na ngayon pa ito nangyari nang okay na kami.
Hinalik-halikan ko ang kamay niya, paulit-ulit. Panay parin ang tulo rin ng luha ko, at panay din ng pagkukwento ko sa kanya.
"Alam mo bang si Aiden ang lahat ng may pakana? At ngayon pinaghahanap siya ng awtoridad. Si Reyma naman, makukulong sa kasong attempted murder, at si Artie, tutulungan daw ni Vincent na ilaban ang kasong isinampa laban sa kanya ni Mayor Buenaventura. Okay na ang lahat, babe. Please, ngayon pa na malinis na ang lahat. Bangon na ah, miss na miss ko na ang paglalambing mo. Tsaka wala akong namemeyk-upan." Tumawa ako ng mahina sa pagkaalala rito. "Tsaka wala narin akong lulutuan." Parang tangang tumawa ako ng marahan, habang panay parin ang agos ng aking luha.
Ngumiti ako ng mapait. Wala itong hindi ginawa na hiniling ko kahit na labag sa kanyang loob. At lalong parang binibiyak ang puso ko sa sakit.
Nakatulugan ko ang pagkukwento sabay luha dahil sa pagod. Nagising nalang ako kinabukasan sa mahinang tapik sa aking balikat.
"Are you alright, Mrs. Bovarin?" ang nurse na nakatoka sa kanya. Nasa treinta na ito, maliit at medyo mataba. "Kung gusto niyo po, pwede naman pong matulog kayo dun sa isang kama. Nirequest po ito specifically ni Mr. Kristov Bovarin para po may matutulugan kayo ng komprotable," anang ng nurse.
"Hinde okay lang ako. Mas gusto kong malapit sa kanya," mahinang usal ko. Kita ko ang pagbaha ng awa sa mukha nito na inignora ko lang.
Tumayo ako at hinayaan ang nurse na gawin ang trabaho nito. Tulog na tulog parin ang asawa ko at napaka peaceful ng mukha nito na parang walang inaalala. Pero mas gusto ko itong gising.
"When do you think he'll wake up?" tanong ko sa nurse. Kita ko ang pag-aalangan sa mukha nito.
"I can't tell, Mrs. Bovarin. Anytime, it depends on him," sagot nito sa nakikisimpatyang tinig. Tumango lang ako ng marahan.
Nang lumabas ang nurse, mabilis namang lumapit ulit ako at umupo sa silya. Titig na titig ako sa mukha nito hanggang sa nakatulog narin ako sa silya sa pagbabantay.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)
Любовные романыCOMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sinisiguro ko sayo, zaya. Pag ikaw sumuko sa kamanyakan ko, hanap-hanapin mo ako. Parang gusto ko tuloy...