Wakas

98.8K 1.8K 110
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"The course of true love never did run smooth."

— William Shakespeare



⚜⚜⚜

Rissy's POV

"Asan ang inaanak ko?" bungad agad ni Wesley na mabilis kong sinaway. Nag-unahan pa ang mga ito na pumasok na may mga dala-dalang regalo.

"Shhh..." pagpapatahimik ko sa mga ito ngunit nakangiti parin habang pinapatuloy ko sila. "Tulog pa siya. Buti naman at napasyal kayo," dagdag ko.

"Namiss namin ang aming inaanak eh," si Laurent na kumindat pa.

"Ah ganun, inaanak lang pala ha?" kunwari sumimangot kong sabi na ikinatawa ng lahat.

Pagkatapos ng batian, pumasok na ang lahat. Nagkuwentuhan muna kaming lahat sa sala habang umiinom ng beer.

Maghating hapon, biglang naalala ko na kailangan ko palang maghanda para tulungan si yaya Mameng na magluto. Mukhang wala namang balak kumain ng lunch ang mga ito kasi late narin naman sila dumating.

Tumayo ako na ikinatingin ng lahat sa akin kasama ng aking asawa. "Pasensya na, maiwan ko kayo rito, kailangan ko na palang magprepara para sa early dinner natin," saka ako tumayo. Hindi ko napansin ang pagtinginan ng mga ito. "Magbibihis lang muna ako," sabi ko sa aking asawa at tumango naman ito na nakangiti, saka ako tumalikod.

"Kami nalang, Rissy." Biglang tumayo si Kristoff na hawak parin ang beer nito. kaya't napatigil ako at nilingon sila.

Sumunod namang tumayo si Laurent. "Oo nga, saka buntis ka. Kami naman ngayon ang magluto," segunda ni Laurent at sumunod naman si Wesley at Vincent. Hindi na nila inantay ang sagot ko at tuloy-tuloy na ang mga ito sa kusina and invaded our fridge.

Nakangising nilapitan ako ng aking asawa. "Ayaw lang nila akong magluto eh. Saka hindi naman ako ang magluluto. Tutulungan ko lang si yaya," nakasimangot kong sabi.

Niyakap ako ni Maxwell habang inaalo. Hinalikan nito ang aking noo. "Hayaan mo na sila, zaya," malambing nitong pag-aalo. "At tama nga sila, kailangan mong magpahinga," saka ako hinapit lalo sa kanya. Tumango nalang ako. Kahit papano, okay narin iyon at ng makapagpahinga naman kami ni yaya. Si Claudette palang, sagad na ang enerhiya namin. Sobra naman kasi itong kulit.

Ayaw ko ring mapagod kasi buntis na naman ako sa pangalang anak namin. Isang taon lang ang pagitan, masyadong masipag kasi itong asawa ko. Kung araw-arawin ba naman ako.

"Tara, panoorin natin sila, bago pa nila masunog ang bahay natin," natatawang sabi ni Maxwell na ikinangiti ko rin saka ako iginiya sa kusina.

Nadatanan namin ang mga ito na kanya-kanyang kuha ng gulay at karne sa ref, syempre utos ng chef nilang si Kristoff.

Dumating naman si Luciano na parang pinagbagsakan ng langit at lupa at naging sentro ng asaran ng magbabarkada.

"Sabi ko kasi sayo, wala talagang forever!" inis na inis na sabi ni Laurent. Umiling naman ang asawa ko. Naiinis na ako kay Laurent. Kailan pa ito naging immature at bitter. Kanina pa talaga ito namumuro eh.

"Hoy Laurent!" inis kong pinameywangan ito. Nilingon naman nito ako mula sa paghihiwa ng karne. Nakataas kilay itong inaantay ang sasabihin ko. "May forever!" pinandilatan ko ito.

He gave me a dead pan look na ikinairita ko lalo. Binalingan ko ang aking asawa na pigil na pigil naman ang tawa at binigyan ko ito ng babalang titig.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon