HRHG 9: Mine

85K 2K 74
                                    

All rights reserved ©2016 by LoveMishap

"What? Just because I can't have you right now, 

doesn't mean I'm okay with him having you." 

― Cora Carmack

🌹🌹🌹

(Maxwell's POV)

"Where are you taking me?" asik ni Rissy sa akin. Nang lingunin ko ito, nanlilisik ang mga asul nitong mga mata. Parang sinindihan ito, nangingislap ngunit hindi sa kasiyahan kundi dahil sa galit.

Walang kangiti-ngiting nilingon ko ito. Namumula na ang pisngi nito sa galit. Kanina pa ito nagtatalak ngunit inignora ko lamang. Nang mapagod, tumigil rin. "Hindi kaba sasagot?" tanong nito ulit. 

Kakatuwa talaga ito pag nagagalit. Parang armalite ang bibig. Akala ko ba timid ito sabi ni Cheska?

"Maxwell, sumagot ka!" nagpupuyos na ito sa galit. Natawa naman ako. Para kasi itong asawa ko na nahuli akong umuwi ng late ng gabi. 

Ano ba itong iniisip ko. Paanong napunta sa asawa?

Scratch that! 

Hindi mangyayari iyon, dahil pag nagsawa na ako sa kanya, I'll dump her just what her brother did to my sister. 

"Humalukipkip ito sa dulo. Halatadong galit na galit na ito dahil sa namumula na ang pisngi. Pati paghinga nito medyo napapalakas na. Ang talim din ng tingin nito sa kalsada.

"Batangas," tipid kong sagot. 

Nang linungin ko ulit ito, nakatingin ito sa akin. Isang linya naman ngayon ang kanyang mga mata. Taas kilay ko itong tiningnan bago ulit itinutok sa kalsada ang tingin ko.

Narinig ko ang marahas nitong paghinga. "Why would we go to Batangas?" tanong nito sa kontroladong boses, ngunit punung-puno ito ng inis. Hindi ako sumagot. "Turn back and drop me off sa bahay! NOW!" demanding nitong sabi na ikinatawa ko. Wala pang babaeng nagsalita sa akin ng ganyan ang tono. Mostly they cower pag tinitingnan ko lang sila. 

"Seryoso ka?" natatawang tanong ko saka ko ito nilingon. Lalong nagwala ito sa galit.

"Bwisit ka talagang hinayupak kang satanas ka!" dire-diretsong mura nito. 

Man, I was never enchanted by a foulmouth like that, but she made it so appealing. "Wow. That was mouthful?" pang-aasar ko lalo saka ngumisi. 

Parang kakainin ako ng buhay sa tindi ng titig nito. "Ibalik mo ako sabi eh!" galit na galit nitong sikmat sa akin. 

Kalmante lang akong nagmaneho habang natutuwa akong pinapakinggan ang pagmumura nito. Grabe talaga pala magmura ang babaeng ito. Kung titingnan mo sa mukha, parang hindi makabasag pinggan. Aba, daig pa nito ang taong kalye sa pagmumura. 

Ilang minuto pa itong dakdak ng dakdak, pilit pinapahatid sa bahay niya, ngunit tinatawanan ko lang na lalong ikinagigil niya. 

Ayaw talaga niyang makasama ako. Bakit? 

Hindi naman ako pangit ah. Maraming babae ang nagkakadarapa na makasama lang ako. Pero ito, parang laging galit pag ako ang kasama. Sa isiping iyon, biglang naging mapait ang panlasa ko. "Will you shut up!" medyo nainis na ako kaya't napadiin ang pagkakasabi ko. Kanina pa kasi ito talak ng talak. "If you don't, I will take you here!" banta ko saka ko siya tinaliman ng mata.

Bigla naman itong tumahimik at nagpadyak itong sumandal sa kinauupuan nito at humalukipkip. Ngumisi naman ako. Di tumahimik din. Kahit na natutuwa ako sa kanya, medyo nakakairita na pala pag lampas na isang oras.

Billionaire's Game (Black Omega Psi Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon