Chapter 01

79 3 0
                                    

-Chapter 01: TALONG-

"Talong!" paulit ulit kong sigaw habang naglilibot sa buong palengke. Nasa itaas ng aking ulo ang isang bilaong naglalaman ng hindi bababa sa benteng talong. Halos mag-iisang oras na din akong paikot-ikot sa buong palengke ngunit, kahit ni isang talong ay wala parin akong naibebenta. Panigurado ay bubungangaan na naman ako ni Nanay mamaya, lalo na't malapit na ang due date ng bayaran sa kuryente.

"Aling Julie gusto niyo ba ng talong? Sariwang sariwa po ito." Alok ko kay Aling Julie na madalas bumili sa akin ng talong.

"Sorry Kenneth pero may nabili na akong talong"

"Ganoon po ba? Basta next time Aling Julie sa akin kayo bumili ng talong, huh?" nakangiti kong lintaya at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Pssst Pogi!" inis akong napalingin nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

"Tumahimik ka bruha badtrip ako ngayon" Inis kong sambit sa kaibigan kong bakla na si Jay.

"Gara ang gandang bungad! Iba pa goodmorning mo sa akin ngayon bruha. Inexpect ko pa naman na babatuhin mo ako ng talong mo. Jusko niready ko pa naman bunganga ko ngayon." mapagbiro niyang ani at excited na yumakap sa akin.

"Tumahimik ka baka isungalngal ko ito sayo" Inis kong ani at itinapat sa kaniya ang isang talong.

"Bet!~Charot HAHAHAHA" Umalingawngaw sa buong palengke ang halakhak ni Jay dahilan para mapatingin at matawa ang mga tinderang malapit sa amin. Bahagya ko siyang tinapik at agad naman siyang tumahimik.

"Asar ka naman bruha! Dahil sayo hindi ako pwedeng tumawa ng malakas at lumandi. Bakit kasi kailangan mo pang itago ang pakpak mo? Jusko! disesyete kana hindi ka parin nag-aout sa parents mo. Ewan ko ba diyan sa pamilya mo kung bakit hindi nahahalatang binabae ang anak nila. Bruha alam na ng buong purok na BAKLA ka!" agad kong tinakpan ang bibig niya nang lakasan niya ang pagkakabigkas sa salitang bakla. "Bakit ba kasi ayaw mong itry na magconfess sa pamilya mo? For sure tatanggapin ka ng mga iyon."

"Matagal ko na yang gustong gawin bruha kaso nga lang ay inuunahan ako ng takot. Hindi naman ata lingid sa kaalaman mong ayaw ni Tito sa mga katulad nating bakla" napabuntong hininga ako at muling napatingin sa talong na ibinibenta ko.

"Matumal ba benta ng talong mo ngayon?" tanong niya nang makitang labis ang atensyon na ipinupukol ko sa mga talong na aking ibinebenta. Napalingon ako sa kaniya at tumango.

"Malapit na kasi ang due date sa bayaran ng kuryente at may kailangan akong gastusin para sa project namin."

"Akala ko ba palagi kang may itinatabing pera? Bakit hindi muna iyon ang gamitin mo?" suhestiyon niya.

"Nagbirthday kahapon si bunso kaya hiniram muna ni Nanay para panghanda" sagot ko.

"Hiniram? Ibabalik ba sayo? Hindi naman diba? Yan kasi ang problema sa ating mga Pilipino,maghahanda ng marami para sa birthday o anumang okasyon pagkatapos ubos ang pera." napapailing na ani ni Jay.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon