❝Chapter 13 : I'll be His Hero❞
Kenneth's PoV
"Really Kenny?" hindi makapaniwalang lintaya ni Au nang ikwinento ko sa kaniya ang nangyari kahapon.
"Kaya siguraduhin mong may isang taon kang supply ng napkin" pabiro kong ani habang hinahanap ng mga mata ko si Luke.
"As if naman hindi mo nagustuhan yung nangyari kahapon"intriga ni Au.
"Jusme Au! Kahit bet na bet ng matres ko ang pagiging knight and shinning armor ni Luke ayoko parin makakita ng mga linta." madiin kong pagtanggi. Otomatikong gumuhit ang isang ngiti sa aking labi nang makita kong dumating si Luke kasama si Troy.
"Morning Au. Morning Kenneth" nakangiting bati sa akin ni Troy. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya bilang sagot. Tumayo ako para batiin si Luke.
"Morning Lu--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong nilampasan. Nagtatanong ang mukha kong napatingin kay Troy.
"Badtrip ata?" nakataas ang balikat at nakataas ang dalawang nakabuklat niyang palad hudyat na wala siyang alam. Umupo ako habang ang aking mga mata ay nakapako kay Luke. Kasalukuyan niyang inihiga ang ulo niya sa desk ng lamesa nila.
"For you" natigil lang ang pagtitig ko kay Luke nang may tsokolateng bumungad sa aking harapan. Nakangiti kong kinuha ito mula kay Troy na ngayon ay nakaupo sa harapan ko.
"Salamat"
"You still like dark chocolate?" bahagya akong napahinto nang bigla akong subuan ng tsokolate ni Troy. Hindi na naman ito bago sa akin dahil madalas naming gawin ito ng bata pa kami. Kaso nga lang sampung taon na ang nakakalipas simula ng ginawa namin ito. Hindi tuloy maiwasan ng puso kong kumabog ng malakas dahil sa simpleng gesture niyang iyon. Nakakatouch at nakakagulat lang na hindi pa pala niya nakakalimutan yung madalas naming gawin at yung gusto ko. These gestures of him is the reason why I like him. The way he cares for me, who wouldn't fall in love in him? Jusme kaya first crush ko to!
"Paanong hindi ko to magugustuhan, palagi mo akong binibigyan nito noong bata pa tayo." medyo nauutal kong ani. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko mula sa pagkakagulat ko kanina.
"Nga pala kamusta kana? It's been 10 years right?" hindi parin nawawala sa labi niya ang matamis na ngiti.
"Okay lang naman" simple kong sagot.
"Si Tito at tita?"
"Si Tatay naaksidente 3 years ago kaya maaga siyang kinuha ng diyos. Si Tito rin naaksidente mabuti nalang at nabaldado lang siya kaya hindi na siya nagtratrabaho. Si Nanay naman nasa bahay lang" kaswal kong sagot sa kaniya at kumain ng tsokolate.
"So that's the reason why you're working"
"Paano mo nalaman?"
"Luke told me" napatitig ako kay Luke nang marinig ko ang sagot ni Troy.
"Mukhang nagkaproblema ata sila ng shota niya" muli akong napatitig kay Troy nang bigla siyang magsalita sa gitna nang pagtitig ko kay Luke.
"Huh?"
"I mean you keep on staring Luke. I thought you like to know the reason why he's acting like that."
"Well...Madalas niya naman talaga akong hindi pansinin." pilit ang ngiti kong lintaya.
"Yung sinabi ko sa airport na babaero siya, hindi yun totoo. Luke seems like a playboy but he's actually serious when it comes to relationship." pareho kaming nakatitig kay Luke. Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ni Troy. Hindi ako makapaniwala na seryoso pala sa pakikipagrelasyon tong si Luke. Kasi first impression ko talaga sa kaniya ay playboy.