Chapter 06

27 2 0
                                    

-Chapter 06: What our eyes can't see-

Hindi ko parin maialis sa isipan ko yung tungkol sa chocolate. Si Luke ba talaga ang nagbigay sa akin nun? Bakit niya naman kasi ako bibigyan ng tsokolate? AHHHHH! Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip kung sino ba talaga yung may ari ng tsokolateng iyon. Ang hindi ko pa maintindihan ay kung bakit ko sinusundan si Luke. Katatapos lang ng klase namin tapos nakita ko siyang naglalakad. Ewan ko ba sa sarili ko at bakit kusang sinundan ng aking mga paa ang nilakaran niya. Inis kong sinabunutan ang sarili ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumingon sa likod niya kaya agad akong nagtago sa mga halaman.

"Anong kagagahan na naman ba to Kenneth?" inis kong tanong sa sarili ko. Sumilip ako sa gitna ng mga halaman para tingnan kong naglakad na siya. Agad akong napatayo nang hindi ko na siya nakita. Napakamot ako sa ulo habang iniisip kong saan siya naglakad.

"Looking for me?" na-out of balance ako dahil sa gulat nang biglang magsalita si Luke sa likod ko. Napapikit ako dahil akala ko ay babagsak ako sa mga halaman ngunit naramdaman ko ang biglang paghatak ng isang tao sa akin. Sa isang iglap ay nasa kabilang banda na ako kung saan walang mga halaman. Napalunok ako nang makita ko nang mas malapitan ang mukha ni Luke. Ilang segundo rin akong tila nakalutang sa ere pinilit kong makawala sa pagkakahawak ni Luke. Isang nakakalokong ngisi ang muling gumuhit sa kaniyang labi at ang sunod ko nalang naramdaman ay ang pagtama ng ulo ko sa likuran ng bag ko.

"Hoy!" inis kong sigaw. Dahan dahan akong tumayo habang hinihimas himas ang ulo ko. Nakaramdam ako ng labis na inis nang magbingibingihan siya at tinalikuran ako. "Kinakausap kita!" muli kong sigaw pero tila walang epekto ito sa kaniya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Talaga bang hindi mo ako kakausapin?" itinaas ko ang nakakuyom kong kamay at akmang susuntukin na siya nang bigla siyang humarap. Walang kahiraphirap niyang hinawakan nang mahigpit ang kamao ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na pagsusuntukin mo ako siguraduhin mong tatamaan mo ako." mayabang niyang sambit at marahas na binitawan ang kamay ko.

"Imbes na magpasalamat ka sa akin sinisigawan mo pa ako. Pwera nalang kung ganito ka magpasalamat." ayan na naman yung nakakainis na ngisi sa labi niya.

"Magpasalamat saan?" nakapameywang kong sambit at tinaasan siya ng kilay.

"Dahil niligtas na naman kita sa kapahamakang dulot ng iyong katangahan" natatawa niyang ani.

"ANO?KATANGAHAN?" hindi makapaniwala kong sigaw sa kaniya. Mapangasar niyang tinakpan ang kaniyang kaliwang tenga gamit ang kaliwang bahagi ng earphone.

"Huh? Wala akong naririnig" pangiinis niya. Nakangisi niyang pinasok sa kanan niyang tenga ang naiwang earphone. Tinalikuran niya ako at nakapamulsang naglakad.

"Akala mo hindi ako makakabawi sayo?" inunat ko ang kamay ko. Mabilis akong nagwarm up na tila sasabak ako sa suntukan sa boxing ring. Pagkatapos ko ay pinosisyon ko ang sarili ko na parang sumasabak ako sa isang running competition. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi at buong lakas akong tumakbo papunta kay Luke. Nang kunti nalang ang distansya ko kay Luke ay agad kong itinukod ang kaliwa kong paa pagkatapos ay tumalon ako ng mataas gamit ito. Inuunat ko ang kanan kong paa para matadyakan ko si Luke.

Nanlaki ang mata ko nang biglang gumilid si Luke dahilan para magdirediretso ako at mapasubsob sa kalsada. Naramdaman ko ang paghapdi ng mga gasgas na natamo ko dahil sa lakas nang pagkakabagsak ko. Dumagdag pa sa sama ng loob ko ang malakas na tawa ni Luke. Napapikit ako habang umaayos ng upo dahil sa sobrang hapding nararamdaman ko. Sinamaan ko ng tingin si Luke dahilan para tumugil siya sa pagtawa. Pigil hininga kong inaalis ang mga maliit na buhanging bumaon sa nagasgas kong palad at tuhod. Maluhaluha ko itong hinipan para mawala ang hapdi.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon