-Chapter 08 : Magazine-
Kenneth's Pov
Hinihingal akong napaupo sa isang bench matapos kong sumuko sa paghabol kay Luke. Nakakaasar talaga yung lalaking iyon. Ibang saya yung naramdaman ko ng sinabi niyang pumapatol sa bakla si James. Shuta! Akala mo naman papatulan ako ni James eh noh?
"Kenny!" napalingon ako ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ni Au. Napakunot ang noo ko ng makita kong nasa tabi niya si Luke at may dala dalang tray ng pagkain. Napansin ko ring nakapagpalit na siya ng damit, kanina kasi ay suot niya ang basketball uniform niya. Tiningnan ko si Au with what-is-the-meaning-of-this? look. Hindi lang niya pinansin ang titig ko at nagpatuloy lang siya sa paglapit sa akin. Napansin ko namang masama ang pinta ng pagmumukha ni Luke.
"Anong ginagawa niyan dito?" pabulong kong tanong kay Au nang umupo siya sa tabi ko.
"I told you tutulongan kitang lumandi" bumubungisngis niyang sambit at kinindatan ako. Hindi makapaniwala akong tumalikod sa kaniya habang napapailing. Nagulat ako nang biglang umupo si Luke sa tabi ko.
"Nalapag kona. Pwede na ba akong umalis?" diretsong sagot ni Luke at nakapamulsang tumayo pagkatapos niyang mailapag ang pagkain.
"Wait lang! Samahan muna kaming kumain, pathank you kona sa pagbuhat mo ng tray." pigil ni Au kay Luke. Pasekreto akong tinadyakan ni Au, hudyat na gusto niyang tulungan ko siya sa pagkumbinsi kay Luke. I just rolled my eyes and stood up.
"Sige na. Sabayan mo na kaming kumain, hindi ka titigilan niyan." pikit matang pangungumbinsi ko kay Luke. Nabigla ako nang maglakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. Akala ko ay tatangi siya!? Dapat tumangi siya! ASAR!
"OH EM GEEEE!" sumisigaw na ani ni Au at tumabi rin sa amin. So bale pinagigitnaan ako ng dalawang to. "You notice that? He listened to you!" paimpit na sigaw ni Au na ikinaikot na naman ng mata ko. Jusme! Kung ano ano nalang talaga itong naiisip ni Au.
"Au, ikain mo lang iyan. Kung ano ano na iyang iniisip mo." pabulong kong ani kay Au.
Kumuha si Au ng isang burger at coke in can mula sa tray na dala ni Luke kanina. Tiningnan ko ang binili ni Au, medyo nadismaya ako nang mapansing puro coke in can ang binili niyang panulak. May sakit kasi akong UTI so masama sa akin ang uminom ng softdrink. Anong gagawin ko? Parang ang rude naman kung tatanggihan ko yung linebreng pagkain sa akin ni Au. HAYST! Bahala na nga! Pikit mata kong pinulot ang coke in can pero nagulat ako ng may humablot nito sa akin. Nang iminulat ko ang mata ko napatigil ako nang bumungad sa akin ang isang bote ng binibiling mineral water. Mas lalong dumagdag sa pagtataka ko nang mapagtantong kay Luke itong mineral water na nasa harapan ko.
Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa bilis ng pangyayari. Nakatulala lang ako at nakapako ang paningin sa kaniya na umiinom ng coke. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mukha ni Luke na tila kumikinang. Natigil ako sa pagiging tulala ng biglang ginalaw ni Luke ang bote ng tubig. Agad ko naman itong kinuha at nahihiyang napayuko. Ang init ng pisngi ko pasimple ko itong pinapaypayan gamit ang kamay ko habang kinakalma ang sarili ko.
"Oh Gosh! I forgot Kenny. I'm sorry" nagaalalang paumanhin sa akin ni Au nang maalala niyang may UTI ako.
"Okay lang" simple kong sagot. Nakahinga nang maluwag si Au at tumatangong napatingin kay.
"You knew?" tanong ni Au na tinutukoy kung alam ba ni Luke ang sakit ko. Wala sa sarili ko namang naiusog ang sarili ko palapit kay Luke. Ewan ko ba sa sarili ko! Basta ang alam ko ay gusto kong marinig ang sasabihin niya. Not that it matters it's just that, I'm curious.
