❝Bagyo❞
Nakangiti akong lumabas ng bahay habang nag- stretching. Napa-aray ako ng mabunggo ako ng kapatid ko na atat makalabas ng bahay. Nakapang-basketball ito, marahil ay maglalaro na naman siya. Bago paman siya maka-alis ay hinawakan ko ng mahigpit ang balikat niya.
"At saan ka pupunta?" Nakakunot ang noo kong ani habang humaharap siya sa akin.
"Kuya maglalaro" nakangiting ani ni Ian, pangalawa sa aming magkakapatid at ang sumunod sa akin.
"Na naman? Kasama mo na naman ba yung tarantado-"
"Tarantado pero gwapong si Luke?" Pagpapatuloy ni Luke na kakarating lang. Nakapang-basketball rin ito at may hawak hawak na bola. Nakangisi ito habang lumalapit sa amin.
"Tarantado at sobrang yabang na akala mo kong sinong si Luke" pagtapos ko sa sinabi ko kanina na mas lalo lang niyang kinangisi.
"Hindi mo ba narinig ang balita kanina? May bagyong paparating, kaya tutulungan mo ako sa pag aayos ng mga gamit natin ng hindi mabasa ng ulan." Baling ko kay Ian. Wala rin kasi sina nanay at tito. Pumunta sila sa probinsya namin para dalawin ang kamag anak namin at asikasuhin ang problema sa dati naming lupain. Kasama nila sina lolo't lola pati narin ang dalawang nakakabata naming kapatid.
"Pero Kuya-"
"Huwag ng matigas ang ulo." Madiin kong sambit. Makahulugan kong tiningnan si Luke at sinenyasan na kumbinsihin ang kapatid ko.
"Sumunod ka nalang sa kuya mo. Sa susunod nalang tayo magbabasketball." Ani ni Luke na ikinatango naman ni Ian. Pumasok na siya sa bahay at dahan dahang nilapitan si Luke.
"Good dog" mapagbiro kong sambit at hinaplos haplos ang buhok niya. Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Walang pasabi niya kasing dinilaan ang kamay kong nakahawak sa buhok niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at agad na inilayo ang kamay ko sa kaniya.
"Bakit mo ako dinilaan?" Hindi makapaniwala kong sambit.
"Sabi mo aso" nakangisi niyang ani at tinalikuran ako.
"Baliw!" Sigaw ko at pumasok na sa bahay upang magsimulang ayusin ang gamit namin.
Mag aala una na ng hapon ng matapos kami sa pag aayos ng gamit namin. Napansin ko rin ang pagdilim ng langit at ang paunti unting paglakas ng hangin. Kasalukuyan akong nagluluto ng noodles para sa hapunan namin. Napatingin ako sa bahay ni Luke at napansing wala parin siya.
"Asan na kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko.
"Sino?" Nanlaki ang mata ko sa gulat ng marinig ko ang boses ni Luke. Naramdaman ko ang pagdikit niya sa likuran ko. Dahan dahan ko siyang hinarap at bumungad sa akin ang pawisan niyang mukha. Halatang kakagaling niya palang sa pagbabasketball.
"A-a-nong gi-gina-ginagawa m--mo?" Nauutal kong ani at napaatras ako. Agad akong hinila ni Luke palapit sa kaniya. Doon ko lang napagtanto na muntik na pala akong mapaso kung napaatras ako.
"Sh!t! Mag-ingat ka nga. Muntik ka ng mapaso. Why are you so clumsy!?" Ramdam ko ang inis at pag aalala sa boses niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko lalo na at sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa. Napasubsob kasi ako sa dibdib niya ng hilahin niya ako. Amoy na amoy ko ang pawisan niyang katawan. Bakit ang bango niya parin? Tila kinikiliti nito ang aking ilong at nagbibigay ng kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko.